Hugot ni Sharon sa isyu ng ASAP: Di mo alam kung celebration ba o para kayong pinaglalaruang mag-ina!? | Bandera

Hugot ni Sharon sa isyu ng ASAP: Di mo alam kung celebration ba o para kayong pinaglalaruang mag-ina!?

Reggee Bonoan - January 22, 2021 - 05:38 PM

MARIING pinabulaanan ni Sharon Cuneta ang lumabas na balitang may pa-birthday celebration siya sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo.

Mapapanood na rin sa TV5 simula Enero 24 ang Sunday noontime show ng ABS-CBN kasabay din ng pag-welcome kay Janine Gutierrez bilang isa sa mga bagong host ng nasabing programa.

Sa pagkakatanda namin ay taun-taon namang may birthday celebration ang Megastar sa “ASAP” at sinosorpresa pa siya ng mga anak at asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

Noong 2020 lang nagkaroon ng isyu ang selebrasyon ni Sharon dahil hindi dumalo para personal na bumati sa “ASAP Natin ‘To” ang panganay niyang si KC Concepcion kaya nagtampo siya, pero nagkaayos na rin naman.

At para hindi mag-expect ang viewers ay naglabas ng mensahe si Sharon na hindi totoong nasa “ASAP” siya sa Linggo.

“Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday! I don’t know why lumalabas sa social media na guest po ako sa A.S.A.P. this Sunday when di naman po ako nag ‘Yes’ sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat ‘yun, kasi patapos na ang buwan, at dahil may work po ako that day at ‘yun lang po ang gusto kong gawin.

“Ayoko din ‘yung nadadamay pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman. Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina?” pahayag ni Mega.

Sabi pa ni Sharon sa kanyang post, “I love my A.S.A.P. family (I love MR. M MOST OF ALL Pero NAWALA NA SIYA DOON.) but this is upsetting.

“Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa po ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko. The stars of ASAP have nothing to do with this. I am sure the staff meant well by asking me to guest. Unfortunately, this is still unfair to me,” paliwanag pa niya.

Samantala, may mga nabasa kaming komento mula sa followers ni Sharon sa Instagram na hindi naman daw binanggit ang pangalan niya bilang guest sa programa, bukod tanging si Janine ang sinabing iwe-welcome bilang dagdag na host ng show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending