Male celeb buking: Nagtse-check in sa hotel na may kasamang babae, minsan naman lalaki | Bandera

Male celeb buking: Nagtse-check in sa hotel na may kasamang babae, minsan naman lalaki

Reggee Bonoan |January 21,2021
facebook
share this

Male celeb buking: Nagtse-check in sa hotel na may kasamang babae, minsan naman lalaki

Reggee Bonoan - January 21, 2021 - 01:21 PM

NALUNGKOT ang paboritong hotel staff ng kilalang aktres sa pansamantalang pagsasara ng Makati Shangri-La simula sa Peb. 1 kung saan nagsilbi siya sa loob ng maraming taon.

Bukod sa pagtigil ng kanilang trabaho, marami rin daw kasi siyang magagandang memories sa nasabing hotel.

Kabilang ang hotel staff na paborito ng kilalang aktres sa na-retrench kahit na matagal na siyang empleyado dahil sa sinasabing reorganization exercise na epekto pa rin ng pandemya.

Anyway, ang tsika ng staff ay maraming artista talaga ang nag-o-overnight sa nasabing 5-star hotel na nagsimula noong 1993 at lahat ay may mga partner na kasama kahit hindi karelasyon.

“Baka bonding lang kasi doon na sa kuwarto kumakain at nag-iinuman.  Laging ganu’n si _____ (kilalang aktres).

“Darating sila ng mga 1 a.m. tapos aalis ng 5 or 6 a.m.. Actually diretso naman na sila sa room hindi naman dumadaan na sa lobby. Ite-text lang ako para sa kuwarto. Iisa lang naman ‘yun,” walang malisyang kuwento sa amin ng hotel staff.

Napakabait daw ng kilalang aktres at magalang pa kaya gusto siya ng lahat ng staff ng Makati Shangri-La kaya naman aligaga ang lahat na pagsilbihan siya kapag may ibang set of friends namang kasama.

May aktor ding naikuwento sa amin ang hotel staff pero medyo suplado raw at hindi nakikipagkuwentuhan sa kanila.

“Seryoso po si _____ (aktor), saka laging naka-shades, naka-bonnet at laging may suot na jacket. Baka ayaw niyang makilala siya kasi may mga CCTV,” natawang sabi pa ng aming kausap.

At nagulat kami sa tsika pa ng hotel staff, “Lalaki at babae po mga kasama ni _____ (aktor), minsan lalaki, minsan babae kasama.”

Hindi na bago sa amin ang balitang ito tungkol sa kilalang aktres dahil matagal na siyang natsitsismis sa mga ganitong gimik.

Si aktor naman ay may manaka-nakang tsika pero hindi kami naniniwala kasi parang malayo naman sa imahe niya lalo’t babaero siya. Baka naman kainuman lang talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Makati Shangri-La rin ang naging official venue ng ABS-CBN Star Magic Ball kaya tiyak na maraming Kapamilya stars din ang nalulungkot sa balitang pansamantalang pagsasara ng hotel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending