Bwelta ng ex ni Jomari: Kung anu-ano na lang topic na walang kinalaman sa issue... | Bandera

Bwelta ng ex ni Jomari: Kung anu-ano na lang topic na walang kinalaman sa issue…

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Bwelta ng ex ni Jomari: Kung anu-ano na lang topic na walang kinalaman sa issue…

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 12:28 PM

HUWAG lumihis sa tunay na issue. Yan ang nais ipamukha ni Joy Reyes sa dating karelasyon na si Jomari Yllana matapos nitong sagutin ang isyu tungkol sa umano’y pagiging pabayang ama.

Nag-ugat ang kontrobersya nang isapubliko ni Joy na naputulan sila ng kuryente dahil matagal nang hindi nababayaran ang kanilang Meralco bill.

Umabot na kasi sa mahigit P100,000 ang kanilang electric bill na ang due date ay noon pang Dec. 9, 2020. Pinaringgan ni Joy ang ama ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng Instagram kung saan ipinost pa niya ang litrato ng dalawang anak.

“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly inform this ‘Honorable’ COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark & this is making it worse for Fangio who’s been having fever for a few days now.

“So many other issues of abuse that I’m trying so hard not to mind for the time being but directly harming the babies this way can’t be tolerated,” sabi niya sa caption.

Sa isang panayam, nagpaliwanag si Jomari tungkol dito at inisa-isa ang mga isyu ni Joy kabilang na nga rito ang umano’t pag-iimbita ng dating partner ng mga kaibigang lalaki sa bahay at nagkukulong pa raw sa kuwarto, base na rin sa inire-report sa kanya ng yaya ng mga anak.

Ipinagdiinan ni Jomari na siya rin ang nagbabayad sa tinitirhang bahay nila Joy at nababahala siya sa mga nakakarating na balita sa kanya. May tatlong male celebrity pa nga siyang nabanggit na pumupunta raw sa bahay nina Joy.

“And nire-report sa akin ‘yan, masakit. And this I have to take to court. Ang sa akin lang, magalit na yung gustong magalit dapat, e, ako nagsasabi lang naman ako ng totoo.

“So, kung nagla-lock ‘yan ng kuwarto, palalabasin yung mga anak ko at magkukulong sa kuwarto, e, kaya naman pala ganyan kamahal ang bill ko, e. Ginawa palang motel yung bahay ng mga anak ko,” ang pahayag pa ni Jomari sa nasabing panayam.

Kasunod nito, sinagot naman ni Joy ang mga netizens na nagtanong kung ano ang masasabi niya sa mga pasabog ni Jomari. Sey ng isa niyang IG follower, “May nabasa na naman ako. Andami daw na pumupuntang lalaki sa house nyo. Maya 3 celebrities daw.

“Ginagawa mo daw motel ang bahay nyo. Yun daw ang sumbong mg mga yaya ng mga bata,” dagdag pa nito.

Tugon ni Joy, nabasa na rin niya ang nasabing balita.

Komento pa ng netizen “Sana maayos na lang lahat ng issues nyo privately. Sana di na umabot sa court. Kasi may pagbabanta sya.”

Sagot naman ni Joy, “Ganun po talaga pag klangan mag divert ng attention ng tao Para mapagtakpan Ang topic na Hindi masagot ng maayos. (laughing emoji).”

Isa pang IG user ang nagkomento na sana raw ay liwanagin ni Joy ang naging pahayag ni Jomari. Sey naman ng nanay ng mga anak ng aktor, “Ganun po talaga pag wala na masagot sa issue ng pagiging responsible…Kung ano ano na lang topic na wala kinalaman sa issue na klangan sagutin.”

Ang tanong, ituloy nga kaya ni Jomari ang pagsasampa ng kaso laban sa ina ng kanyang mga anak? O, pakikinggan niya ang payo ng ilan sa kanyang mga tagasuporta na pag-usapan na lang nila nang maayos ni Joy ang mga problema?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, kung kayo sina Jomari at Joy ano ang gagawin n’yo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending