Kiray pinagtripan ang dyowa sa 'halikan prank' | Bandera

Kiray pinagtripan ang dyowa sa ‘halikan prank’

Alex Brosas |January 18,2021
facebook
share this

Kiray pinagtripan ang dyowa sa ‘halikan prank’

Alex Brosas - January 18, 2021 - 07:50 PM

NAG-TRIP si Kiray Celis and her subject was her boyfriend Stephan Estopia.

Kiray made a prank on her boyfriend at nakunan ito ng video sa latest YouTube vlog ng comedienne.

“Alam niyo naman na parang, super proud ako sa boyfriend ko. Lagi ko siyang pino-post kasi ganu’n ko siya kamahal. Ang sarap ipagsigawan ng taong mahal mo, right?” say ni Kiray sa video.

“Sabi ko nu’n sa sarili ko pag nagka-boyfriend ako gusto ko ‘yung kagaya ng papa ko. Yung kung gaano mahalin ‘yung mama ko, alagaan, intindihin. Pero hindi ko alam na may darating pa palang ganu’n.

Meron pa palang kagaya ng papa ko, at ‘yun ‘yung boyfriend ko,” dagdag pa ni Kiray.

Later, sinabi niya ang kanyang balak na prank sa kanyang dyowa, “Ipa-prank natin ang boyfriend ko na kunware ay nag-kiss kame ni John Vic dito sa taping. Tingnan natin kung tatanggapin pa ba niya ako or anong sasabihin niya,” say niya sa video.

Ayun nga, nag-video call si Kiray sa kanyang boyfriend at sinabing nag-kiss sila ni John Vic. Nanginig ang dyowa ni Kiray, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Naging emotional si Stephan hanggang sa isinara na nito ang kanyang cellphone. Ayun, tawag nang tawag si Kiray pero hindi siya sinasagot ng kanyang dyowa.

After a while, sinagot na ni Stephan ang tawag ng komedyana. No choice na siya kundi aminin na isa lang prank ang sinasabi niyang hinalikan siya ni John Vic.

Iba ring mag-trip si Kiray, ‘no?

* * *

Napangiti ng isang fan si Kim Chiu nang mag-react ito sa kanyang post sa Twitter.

Sa katuwaan ni Kim ay ni-retweet niya ang tweet ng isang fan na nagngangalang Allison Kim na nagpakita ng labis na suporta sa dyowa ni Xian Lim. Kasama sa tweet ni Allison ang isang video clip na kuha sa isa sa mga episodes ng “It’s Showtime”.

“Kim Chiu did not come from a talent competition show but she worked hard to be good at whatever she does. She’s very masipag and THAT IS TALENT. 3 years lang daw siya … she’s now 15years in showbiz, many came and go but she’s still here! Treasured and very much relevant!”

‘Yan ang tweet ni Allison Kim na labis na nagpasaya kay Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Awww thank you!!! feeling a bit down today. Don’t know why. Thank you for this tweet! Nabasa yung mata ko ng very light. Salamat!” sagot naman ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending