Andi nagsilang ng healthy baby boy: We did it again, Papa! | Bandera

Andi nagsilang ng healthy baby boy: We did it again, Papa!

Ervin Santiago |January 18,2021
facebook
share this

Andi nagsilang ng healthy baby boy: We did it again, Papa!

Ervin Santiago - January 18, 2021 - 02:09 PM

ISINILANG na ni Andi Eigenmann ang kanyang ikatlong anak via caesarian section sa St. Luke’s Medical Center, Global City sa Taguig.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ng aktres ang pagdating ng baby boy nila ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.

Ipinost ni Andi sa IG ang litrato nila ni Philmar habang karga ang bagong silang na anak. Dito, pinasalamatan niya si Philmar sa lahat ng suporta, pagmamahal at pag-aalaga sa kanya mula sa pagdadalang-tao hanggang sa makapanganak siya.

“We did it again, Papa. This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away.

“I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!” sabi pa ng aktres sa caption.

Excited ding ibinalita ng nanay ni Andi na si Jaclyn Jose sa kanyang IG followers ang pagsilang ng ikatlong apo.

“Congratulations anak for having a succesful delivery to our newest member of the family. Bouncing healthy baby boy,” mensahe ng award-winning actress.

Ang baby boy na ipinanganak ni Andi ay ikalawang anak na nila ni Philmar, ang una ay si Lilo na turning two years old na sa July 23. Ang panganay naman ni Andi ay si Ellie na anak niya sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.

Bago manganak, naglabas pa ng vlog si Andi tungkol sa huling pagbisita nila sa ospital kasama si Philmar at si Jaclyn para sa last check-up nila ng anak.

“Doing my swab test. It’s a requirement in the hospital para they can be sure I am negative when I go into the hospital. After this, sa bahay na lang kami. Waiting time.

“I am giving birth via cesarean section kaya alam namin kung kailan kami manganganak, kaya alam namin na konti na lang. Nabibilang na ang mga araw namin dito sa siyudad,” sabi ni Andi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago naman mag-Pasko nag-propose si Philmar sa aktres kaya naman napakaespesyal ng nagdaang holiday season para sa kanya at sa buong pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending