Anne nagsimula sa showbiz sa talent fee na P1,200; nag-iba ang pananaw sa pera dahil kay Dahlia
SA halip na gumastos sa mga luho o mamahaling sapatos o mga branded bags, ilalaan na lang daw ni Anne Curtis ang kanyang budget para sa kanyang anak.
Napatunayan ng TV host-actress na kapag naging nanay ang isang babae ay nag-iiba na talaga ng priorities sa buhay, lalo na kapag nagkaroon na ng baby.
Sa isang panayam, nabanggit ni Anne na kahit naman daw noong bata siya ay natuto na siyang mag-budget ng perang kinikita niya mula sa pag-aartista. Talagang tinuruan na siya ng kanyang mga magulang pagdating sa paghawak ng pera.
Inamin ni Anne na na nagsimula rin siya noon sa showbiz na maliit ang talent fee. Pag-amin niya, “I was fairly young. Ang talent fee ko P1,200.”
“When I was 12, of course, I did not handle my finances at the time. My parents were the ones who were setting aside all of my savings,” kuwento pa ni Anne.
Sey pa ng Kapamilya actress, talagang natuto siyang mag-save dahil sa laging paalala ng mga magulang na dapat, sa murang edad ay alam na niya kung paano paghandaan ang kanyang kinabukasan.
Mula raw noong magsimula siya sa pag-aartista ay hawak ng parents niya ang natatanggap na talent fee mula sa kanyang mga TV show at pelikula, binibigyan lang daw siya ng allowance para sa mga gusto niyang bilhin.
“It was only when they turned it over to me at the age of 18 that I really got to be hands-on with my own money and savings.
“But before they turned it over to me, they did teach me about the way of life and how to save…so that when they turned over my savings, I was prepared,” aniya pa.
Kuwento pa niya, may itinuro sa kanya noon ang kanyang road manager tungkol pagkakaroon ng “quota.”
“Siyempre when you have a quota, hindi mo dapat tinitipid yung sarili mo. You set a reasonable and attainable quota for yourself and once you reach that, that extra money that you have, that’s when you can spoil yourself a little bit more,” chika Anne.
Isa sa mga ginawang paghahanda ng aktres sa kanyang future ay ang pagtatayo ng sarili niyang cosmetics business.
“When I first came up with BLK, everyone knows how much I love lipstick, how much I love cosmetics. I really wanted to come up with my own brand that would reach out to my fellow Filipinas and something that was attainable for them, so that’s why I started that business,” chika pa ng asawa ni Erwan Heussaff.
“When you become a little bit more mature, you realize that you really have to have a back-up plan, a business, because being in this industry will not be forever.
“So how will I continue to provide for myself and my family? But of course, in the beginning, I’ve also had failed businesses. I invested in a restaurant and it didn’t go the way that I had thought it would,” aniya pa.
At dito nga nasabi ni Anne na mas iniisip na niya ngayon ang pangangailangan ng anak nila ni Erwan na si Baby Dahlia kesa sa kanyang sarili.
“I have to think about her future. Do I really need a pair of shoes, ‘di ba? Puwedeng kay Dahlia na lang. It’s really changed the way I handle my expenses and my savings,” paliwanag pa ng TV host-actress na nasa Australia pa rin kasama ang kanyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.