4.5 lindol tumama sa Calatagan, Batangas
Karlos Bautista - Bandera January 16, 2021 - 09:39 AM
Isang 4.5 magnitude na pagyanig ang naganap sa bayan ng Calatagan, Batangas ngayong Sabado ganap na 6:48 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 12 kilometro sa timog-kanluran ng Calatagan.
Walang inaasahang pinsala sa lindol na may lalim na 135 kilometro.
Mahina itong naramdaman sa Intensity I sa Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro; at sa Plaridel, Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending