Buhok ni JOHN LLOYD pinagtsismisan ng mga stylist, kailangan nang magpa-hair transfer
Madali raw tumanda ang itsura ni John Lloyd Cruz. ‘Yun ang pinagpistahan isang gabi ng mga stylist na nagkita-kita sa isang party. Marami silang palatandaan kung bakit.
Sabi ng isang stylist na matagal nang nagseserbisyo sa mga sikat na personalidad, “Mataas na ang hairline niya. Masyado nang malaki ang noo ni John Lloyd. Hindi na ‘yun madadaya ng hairstyle.
“Ilang years pa, mangangailangan na siya ng hair transfer dahil mas tataas pa ang hairline niya. Genetics ‘yun, siguradong may lahi sila ng kalbuhin. Kita na naman ‘yun kahit ngayon pa lang.
“Compared sa mga ka-contemporary niyang actors, e, mas malaki ang tendency na mag-mature agad ang itsura ni John Lloyd. Magamot sana agad ang mataas niyang hairline.
“Nakakatanda kasi ‘yun. Bata pa naman siya, pero mabilis siyang tatanda dahil sa lapad ng forehead niya. Dadayain ‘yun sa buhok, pero time will come na hindi na ‘yun kayang isalba ng ganu’n lang,” sabi ng aming impormante.
Iba naman ang pananaw ng isa pang stylist na nasa umpukan, ang katawan naman ng guwapo at magaling na aktor ang napansin nito, kapag hindi raw ‘yun naalagaan ni John Lloyd ay magmumukha na agad siyang tatay.
Konting preno sa ganang kumain, sabi ng aming source, lalo na kung hindi niya naman nasusunog ang mga calories na pumapasok sa kanyang katawan.
Kung regular ang pagdyi-gym ng aktor ay ayos lang, pero hindi na siya bagets, kaya pinag-iingat siya sa kanyang mga kinakain.
“Mahirap maghabol, kaya ngayon pa lang, kailangan nang alagaan nang husto ni John Lloyd ang katawan niya,” payo pa ng aming source.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.