Sara hindi tatakbo bilang pangulo – Pangulong Duterte
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo bilang presidente ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project, sinabi ng Punong Ehekutibo na binalaan niya ang kaniyang anak ukol sa pagtakbo sa pagka-pangulo.
“My daughter, inuudyok man nila, sabi ko, my daughter is not running,” pahayag ng nakatatandaang Duterte.
Ayon sa pangulo, naaawa siya sa maaaring pagdaanan ng kaniyang anak kung sakaling maging pangulo ng bansa.
“I have told Inday not to run because naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko,” ani Duterte.
“Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging gago ka dito. So ‘yun ang… that is the sad story,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.