Ara sa pagiging hubadera noon: Kapag nagtatanggal ako ng damit, umiiyak ako pagkatapos ng eksena

Ara sa pagiging hubadera noon: Kapag nagtatanggal ako ng damit, umiiyak ako pagkatapos ng eksena

Ervin Santiago |January 14,2021
share this

Ara sa pagiging hubadera noon: Kapag nagtatanggal ako ng damit, umiiyak ako pagkatapos ng eksena

Ervin Santiago | January 14,2021 - 09:27 AM

NA-SHOCK talaga si Ara Mina nang mag-propose na sa kanya ang fiancé na si Dave Almarinez.

Ayon sa award-winning actress-businesswoman, hindi niya in-expect na yayayain na siyang magpakasal ng boyfriend kaya hindi niya napigilan ang mapaluha sa sobrang kaligayahan.

Sa naganap na virtual presscon via zoom para sa bagong pelikula ni Ara na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar” kahapon natanong siya tungkol sa naganap na marriage proposal.

“Actually, wala pa akong masyadong tulog. Nabigla rin ako. Hindi ko alam na mangyayari yesterday na may proposal.

“Hindi ko expected. Wala akong ka-idi-idea na magpo-propose na siya sa akin,” tugon ng aktres.

Nauna rito, nag-post din si Ara sa socmed ng mensahe hinggil dito. Aniya, isang answered prayer ang proposal ni Dave dahil aminado naman siyang matagal na niyang gustong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

“Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life. Dave, thank you for being my answered prayer.

“Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together.

“God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you!”

Pagpapatuloy pa niya, “I was totally clueless of what this day would bring. And your surprise made me felt more loved and cherished than I did yesterday. You are all awesome!”

“I want to express my gratitude to the following, who have been part of this magical milestone. @niceprintphoto for capturing every inch of this memorable event, @gideonhermosa for turning the grounds of city hall into a beautiful and romantic place.

“To Mayor Cataquiz of San Pedro, Laguna, thank you so much for all the support you have given us and for making us feel like a family.

“And to all my loved ones, thank you for all the engagement wishes and warm congratulations.”

Binati naman si Ara ng mga kaibigan niya sa showbiz matapos i-announce na engaged na sila ni Dave. Isa sa unang-unang nag-congratulate sa kanya ay si Megastar Sharon Cuneta, “Aaaaaaaaaahhhhh!!!! Congratulations!!! Be happy sis!!! Praise God!!!”

Ilan pa sa bumati rin sa kanya ay sina Ogie Alcasid, Darren Espanto, Barbie Imperial, Sugar Mercado, Arci Munoz, Ana Roces at marami pang iba.

Samantala, sa mediacon nga ng bagong handog ng Viva Films, ang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar” game na game na sinagot ng lead stars ng movie na sina Ara, Alma Moreno, Maui Taylor, at Rosanna Roces ang mga intriguing questions ng mga reporter bilang mga kinilalang sex symbol noong kapanahunan nila.

Dito inamin nga ni Ara na ginamit talaga niya ang paghuhubad sa pelikula para makilala sa showbiz at wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya dahil ito ang naging daan para magkaroon ng magandang buhay.

“Ginawa ko siyang stepping stone because nung time na pa-tweetums-tweetums ako, andami kong mga kasabayan, so hindi ako napapansin.

“Kaya ang naging stepping stone ko, itong pagpapaseksi. Malaki talaga ang nabago kasi nakilala ka sa industriya. At the same time, nagkaroon ka ng projects na bumida ka at nakaipon ka,” lahad ng aktres.

Pero aniya, “Sa totoo lang, mahirap. Hindi ganoon kadali. Noong unang nagtatanggal ako ng damit, per every take, umiiyak ako after.

“Tiniis ko ‘yon kasi, sabi ko, trabaho lang ito. Hindi naman ganoon kadali, may camera, tapos magtatanggal ka ng damit mo.

“Pero supportive naman yung mommy ko sa akin dahil gusto ko, kahit nagalit yung daddy ko sa akin. Maganda naman ang kinalabasan, na-achieve ko naman yung gusto kong ma-achieve,” pagpapakatotoo pang pahayag ni Ara Mina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending