Misis ni Patrick Garcia buntis sa kanilang 'Baby No. 4', tinupad ang wish ng bunsong anak

Misis ni Patrick Garcia buntis sa kanilang ‘Baby No. 4’, tinupad ang wish ng bunsong anak

Ervin Santiago |January 11,2021
share this

Misis ni Patrick Garcia buntis sa kanilang ‘Baby No. 4’, tinupad ang wish ng bunsong anak

Ervin Santiago | January 11,2021 - 10:17 AM

“YES, we are pregnant with baby number four!” Yan ang masayang ibinandera sa publiko ng mag-asawang Patrick at Nikka Garcia bilang bahagi na rin ng pag-welcome nila sa Bagong Taon.

Sa bago nilang family vlog sa YouTube na may titulong “Another Blessing”, ibinalita nga ng mag-asawa na madadagdagan na naman ng isang miyembro ang kanilang pamilya.

Ayon kina Patrick, isang “answered prayer” ang muling pagbubuntis ng asawa ngunit aniya, may kaunting takot din silang naramdaman dahil nga patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa kaya tripleng pag-iingat ang kailangan nilang gawin ngayon.

Sabi ni Nikka sa simula ng video, hindi sila masyadong naging active sa social media nitong mga nakaraang linggo, “Walang lakad. Kasi medyo sometimes nahihilo ako palagi. It’s not just morning sickness, it’s whole day sickness. So yes we are pregnant with baby number four.”

Kuwento naman ni Patrick, itinuloy pa rin nila ang pagpunta sa Boracay last month kasama ang tatlong anak kahit alam nilang buntis na ang asawa.

“Siguro sa lahat ng naging pregnancies niya, parang feeling ko dito siya pinakanatsa-challenge ngayon. She’s high risk so it’s better for us or for her to stay home muna.

“When we went to Boracay we already knew na buntis na siya pero we had already planned Boracay before we found out. So no choice na kami but to go on the trip. Had we found out before planning Boracay we won’t risk it.

“We had fun naman in Boracay at saka wala namang nangyaring masama sa amin so okay lang,” lahad ng aktor.

Sey naman ni Nikka, dininig ng Diyos ang laging dasal ng bunso nilang anak na si Pia na magkaroon uli ng baby sa kanilang family.

“Actually compared to the rest, iba yung nausea ko dito, iba yung food aversion. I’m a little bit challenged but I know that as I go further into my pregnancy, it will get better.

“This has been Pia’s prayer, I think it’s because of her prayer that got really answered. She’s been praying every night for this,” aniya pa.

Pinayuhan naman siya ng doktor na hangga’t maaari ay huwag na muna siyang maglalalabas, “Stay at home muna because there is still a pandemic going on so just to be safe and to make sure that the baby is okay.”

In fairness, na-enjoy naman daw ni Nikka ang ilang araw na bakasyon sa Boracay nitong nagdaang holiday season, “Buti na lang hindi pa ganoon kagrabe ‘yung feeling ko in Boracay.

“Medyo, na-enjoy ko pa naman siya but the minute we got back home, nag-start na talaga ‘yung nausea, ‘yung whole day sickness, vomiting, and anything else,” sey pa ng misis ni Patrick.

Ikinasal sina Patrick at Nikka noong 2015 at biniyayaan na ng tatlong anak na puro babae, sina Michelle Celeste, Nicola Patrice at Francisca Pia. May anak namang lalaki si Patrick kay Jennylyn Mercado, ang binatilyo na rin ngayong si Alex Jazz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending