Janine wala pang kontrata sa ABS-CBN pero tuloy ang paglipat; nakipag-meeting na sa Dreamscape | Bandera

Janine wala pang kontrata sa ABS-CBN pero tuloy ang paglipat; nakipag-meeting na sa Dreamscape

Reggee Bonoan - January 08, 2021 - 12:15 PM

WALA pang pirmahan ng kontratang naganap sa pagitan ni Janine Gutierrez at ng ABS-CBN.

Pero sa pakikipag-meeting ng aktres kasama ang manager niyang si Leo Dominguez sa Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal siguradong inihain na sa kanila kung anu-anong project ang gagawin ng aktres.

Nabalitaan namin na nakipag-dinner ang kampo ni Janine kina Sir Deo  kamakailan para nga sa paglipat ng dalaga sa Kapamilya Network.

Base na rin ito sa larawang ipinost ni Leo sa kanyang social media account na ang caption ay, “Thank you Sir Deo Endrinal for the Congratulatory dinner for Paulo Avelino at Janine Gutierrez (emoji heart).”

Ang basa namin kaya may congratulatory dinner si Sir Deo kay Janine ay dahil sa dalawang best actress award na nakuha nito noong nakaraang taon — sa Urian at FAMAS para sa pelikulang “Babae at Baril” na idinirek ni Rae Red.

At si Paulo naman ay dahil sa pagkakapanalo nito bilang best actor sa pelikulang “Fan Girl” na kasalukuyan pa ring humahataw sa Upstream.ph at inaabangan na rin  sa KTX.ph at ilang piling sinehan.

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nababanggit kung kailan ang official contract signing ni Janine sa Kapamilya Network.

Tulad nga nang isinulat namin dito sa BANDERA kamakailan ay may inaayos pa raw na ilang bagay-bagay tungkol sa paglipat ng dalaga, sabi mismo ng aming source.

Baka naman mangyari ang pirmahan bago umalis si Janine para sa lock-in shooting niya out of town for her new project.

Abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending