Glaiza, Rayver bibida sa TV remake ng Nagbabagang Luha; Bianca naka-jackpot sa 'Legal Wives' | Bandera

Glaiza, Rayver bibida sa TV remake ng Nagbabagang Luha; Bianca naka-jackpot sa ‘Legal Wives’

Ervin Santiago - January 07, 2021 - 09:16 AM

SA kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz sa upcoming drama series na “Nagbabagang Luha”.

Ang nasabing serye ay adaptation ng classic ’80s movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson at Richard Gomez.

Kahit nasa Ireland pa ay pinaghahandaan na ni Glaiza ang proyektong ito kung saan gagampanan niya ang role ni Lorna sa pelikula bilang si Maita.

“Siyempre nandoon ‘yung feeling na malaking responsibilidad kasi kahit paano na-familiarize na kami doon sa pelikula at nakita namin ‘yung performances nina Ms. Lorna. So, parang kailangan talagang itodo na namin dito,” kuwento ng aktres sa panayam ng “24 Oras.”

Ayon naman kay Rayver, na gaganap sa dating role ni Gabby na si Alex, looking forward na siyang makatrabaho si Glaiza.

“Si Glaiza lagi ko ‘yan kasama sa ‘AOS’ (All-Out Sundays) pero iba kasi ngayon pa lang kami magwo-work sa isang series, so excited ako,” aniya.

Makakasama rin ng dalawa sa “Nagbabagang Luha” sina Claire Castro, Mike Tan at Myrtle Sarrosa.

                           * * *

Marami na rin ang excited sa cultural drama series na handog ng GMA ngayong 2021, ang “Legal Wives.”

Bukod sa intriguing na kuwento, bigatin din ang cast na magbibigay-buhay sa iba’t ibang karakter sa serye kaya naman hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Bianca Umali na mapili bilang isa sa mga bida.

Gaganap siya bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ishmael na gagampanan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Sa isang interview, ibinahagi ni Bianca na itinuturing niyang blessing ang proyektong ito, “Hindi ko po alam kung ano ang mapi-feel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi parang napakaganda po nu’ng role, napakalaki ng proyekto, and yung makatambal si kuya Dennis na isang beteranong aktor is a blessing for me, and I’m excited to start the experience,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending