Anak ni Claire dela Fuente umalma sa Christine Dacera rape-slay case: Bakla po ako, hindi ako nakikipagtalik sa babae... | Bandera

Anak ni Claire dela Fuente umalma sa Christine Dacera rape-slay case: Bakla po ako, hindi ako nakikipagtalik sa babae…

Ervin Santiago - January 05, 2021 - 08:07 PM

MARIING itinanggi ng isa sa mga suspek sa rape-slay case ng flight attendant na si Christine Dacera na pinatay at ni-rape nila ang biktima.

Ayon kay Gregorio Angelo Rafael de Guzman, isa sa mga inaakusahang may kinalaman sa pagkamatay ni Christine, malinis ang kunsensiya niya at hinding-hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya.

Nagsalita si Gregorio Angelo, anak ng veteran singer at negosyanteng si Claire dela Fuente, sa Quick Response Team (QRT) ng GMA News TV ngayong araw.

Ayon kay Gregorio, nakilala lamang niya ang biktima noong New Year’s eve party matapos itong ipakilala sa kanya ng isang kaibigang flight attendant din.

Kuwento niya, nalaman na lamang niyang may masamang nangyari kay Christine kinaumagahan. Sa katunayan, siya pa ang nagbigay ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) sa nasawing flight attendant.

“Nandu’n po kami, hindi namin iniwan si Tin until the end. Hindi namin iniwan si Tin. Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari.

“Nandu’n kami sa police station, sa ospital, sa hotel, hindi namin siya iniwan,” pahayag pa ni Gregorio.

Dinenay din nito ang akusasyon na ginahasa nila ang biktima, “Absurd po. Paano po naging rape? Bakla po ako. Hindi po ako nakipagtalik sa babae, never in my life.”

Ayon naman sa kanyang inang si Claire, mahirap daw paniwalaan ang ibinibintang sa anak niya dahil alam nga niyang bading ito. Nanawagan din siya na sana’y maging patas ang gagawing imbestigasyon sa nasabing kaso para maparusahan ang mga tunay na salarin.

Natagpuang patay si Christine sa bathtub ng kanyang kuwarto sa City Garden Hotel sa Makati City nitong nagdaang Jan. 1. Isa sitang flight attendant ng Philippine Airlines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa unang resulta ng autopsy sa labi ng biktima, aneurysm ang ikinamatay nito. May mga pasa rin siya sa tuhod, laceration sa ari at semen kaya posibleng ginahasa muna siya bago pinatay.

Tatlong suspek na ang naaresto ng mga pulis na na-inquest na rin sila sa Makati City Prosecutor’s Office.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending