Anak ni Claire dela Fuente inatake ng depresyon, anxiety; maraming utang na dapat bayaran
Gigo de Guzman at Claire dela Fuente
“I’M doing my best to be okay. I will not lie and say that everything is good but I’m taking it one step at a time.”
Ito ang sagot ni Gigo de Guzman, ang anak ng yumaong OPM icon na si Claire dela Fuente sa panayam ng “Boy Abunda sa The Interviewer” sa YouTube.
Kasama ni Gigo sa nasabing panayam sina JP dela Serna, Clark Rapinan, Valentine Rosales at Rommel Galido. Present din ang legal counsel ng grupo na si Atty. Teresita Marbibi na best friend ni Claire.
Ang limang personalidad ay idinamay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera isang taon na ang nakararaan nitong Enero 1, 2022.
Cleared na sila sa salang rape at homicide base sa resolution ng Makati court na pinirmahan ni Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan at in-aprubahan naman ni Deputy City Prosecutor Henry Salazar at City Prosecutor Dindo Venturanza noong Abril 27, 2021.
Pero kahit napawalang-sala na sila ay tuloy pa rin ang kaso sabi ni Atty. Marbibi, “ Tuluy-tuloy pa rin ang kaso hindi pa rin sila tapos kasi kahit sila nanalo there is an appeal to the Department of Justice.
“But we already informed them beforehand that even if you win it will not end the problem yet. Or whoever wins whether the Decera or them (magkakaibigan), one will appeal the case, so, it might go to the Supreme court,” sabi ng abogado.
Sa madaling salita ay mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong kinakaharap ng limang magkakaibigan at ang tanging paraan lang para matapos na ito ay, “I advise them to compromise or go to mediation without necessarily paying them just to forgive (and) forget it,” paliwanag ng abogada.
Willing naman daw ang grupo na gawin ang payo ng kanilang abogado pero sa kasalukuyan ay walang nagri-reach out sa magkabilang kampo.
Samantala, nang unang pumutok ang pangalan ni Gigo bilang anak ng beteranang mang-aawit na si Claire ay marami ang nagulat dahil sa matagal na panahon ay hindi naman siya naipakilala sa publiko ng ina kasama ang nakababatang kapatid.
At naglabasan lang ang mga larawan ni Gigo nang masangkot siya sa Decera case at halos lahat ng mga larawan niya sa social media ay punumpuno ng kasiyahan sa buhay bukod pa sa mas madalas siyang nasa ibang bansa.
Pero sa pangungumusta sa kanya ng King of Talk ay kabaligtaran ang lahat ng napanood at napakinggan namin kay Gigo.
Sa tanong ni kuya Boy na, “Sabi mo nga you’re trying to be okay, have you stopped blaming yourself and the others?”
“I don’t know! That’s the thing because I lost a lot (sabay pakita ng larawan nilang mag-ina). I lost not only my mom, financially me and my brother are not well-off anymore (pilit ang ngiti).
“We’re thankful that we can eat everyday but we lost a lot financially and I tried to look for a job, 200 applications, 100 rejections, 100 no replies, and it just took my friend to give me a job, so, I could earn something.
“Our restaurant is about to be closed for certain circumstances beyond our control and I’m also diagnosed with depression, anxiety and high blood pressure and I’m paying meds about P10,000 a month, so, I don’t know who to blame!” kuwento ni Gigo na pinipilit pa ring ngumiti.
Nagsimula raw maghanap ng trabaho si Gigo noong Hulyo 2020, “Because that’s when I found out that we have so much debt to pay off because she has some investment on that (and) because nagka-pandemic and because she passed away it didn’t push through.
“And then our restaurant was closed because of the lockdowns and until now I can’t even build my mama’s mausoleum, still doesn’t have one,” aniya.
Sunod na tanong ay sino ang nag-aalaga sa bahay ng magkapatid na iniwan ng ina na kaya naitanong ni kuya Boy ay dahil doon una ginawa ang panayam niya sa limang magkakaibigan.
“We do. Me and my brother. We sold some of the paintings, sold some of my mom’s jewelry, stock just to survive. We are holding on because we have no choice (kumibit balikat),” malungkot na kuwento ng panganay ni Claire.
Nabanggit din ni Gigo na hopeful siya sa lahat ng mga nangyayari dahil nasa tabi niya ang boyfriend niya na para sa kanya ay ito ang dahilan kaya lumalakas siyang harapin ang lahat at financially ay malaki ang naitutulong nito sa kanya.
At ang pinakamasakit daw na naririnig at nababasa niya sa social media ay deserve niya raw ang mga nangyayari ngayon sa buhay niya, lalo na ang pagkamatay ng ina.
“But as much as possible I try not to because some of them are obviously trolls. It’s painful to hear ‘you deserved this, you mom died kasi karma mo ‘to,” sabi ni Gigo.
Nagulat naman si kuya Boy sa sinabi niya, “Somebody told you that?”
“Multiple people. That I deserved it daw ‘coz mayaman daw kami because sa ginawa ko raw kay Christine (natigilan). I tried saving her you know and yet sasabihan pa ako ng ‘deserved mong mamatayan ng nanay,'” garalgal na pahayag ni Gigo sabay punas ng luha sa mga mata.
At ang natutunan ni Gigo sa lahat ng nangyaring ito sa buhay niya, “Actually, tito Boy I’m trying to figure out because my story is not yet over. And I’m still struggling.
“If there’s one thing that I’ve learned that I can say is have to keep your own peace, how to not listen to other people muna and know the truth is the only thing that matters sometimes so I don’t listen to other people.
“I was diagnosed with pleasing people that I forgot myself, I forgot to take care of myself if this journey and depleted a lot of energy, emotion and I didn’t find time to take care of myself and now is the time that I really need to,” mahabang esplika nito.
Masuwerte raw si Gigo bukod sa pagkakaroon ng boyfriend ay may mga kaibigan siyang tunay na hindi siya iniwan at tinulungan siya lalo na noong nawala ang ina.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/281400/gigo-kay-claire-she-never-liked-sleeping-alone-but-on-monday-shell-finaly-get-to-rest-beside-my-dad
https://bandera.inquirer.net/281015/claire-dela-fuente-may-mga-paramdam-na-sa-anak-bago-mamaalam
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.