Payo ni Richard Yap ngayong 2021: Maging wais sa pera, mag-ipon nang bonggang-bongga | Bandera

Payo ni Richard Yap ngayong 2021: Maging wais sa pera, mag-ipon nang bonggang-bongga

Ervin Santiago - January 05, 2021 - 01:24 PM

NAGBIGAY ng ilang tips ang bagong Kapuso star na si Richard Yap pagdating sa pagiging wais sa pera ngayong 2021.

Sa nagdaang taon, maraming natutunang life lessons ang actor-businessman lalo noong kasagsagan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic. Isa na nga rito ang kahalagahan ng tamang paghawak ng ating mga kinikita.

Hindi lang ang showbiz career ni Richard ang naapektuhan ng health crisis sa bansa kundi maging ang kanyang mga negosyo kaya wala talagang pumapasok na pera sa kanilang pamilya.

“In 2020 kasi there were so many businesses that shut down. Nothing really lasts forever.

“Ang hirap ng buhay if something like this happens. I guess you should have a lot of savings. You should be able to save for the rainy days, especially this one was a rainy year,” ang pahayag ng aktor sa panayam ng GMA.

Bukod sa pag-iipon, nakita rin ni Richard ang tunay na kahalagahan ng pamilya at ng mga bagay-bagay sa ating paligid, gaano man ito kaliit o kalaki.

Paliwanag ng bagong Kapuso leading man, “Nakita mo ‘yung 2020 hindi nga tayo lumalabas. Minsan sabi ko ‘yung ibang tao ang daming kotse. Aanhin mo ‘yung maraming kotse hindi ka naman makalabas.

“Ang dami mong kotse na magaganda hindi mo naman magagamit. Other people buy so much branded stuff pero hindi mo na rin magamit during this time,” ang magandang punto pa ng aktor.

Payo pa niya, para maging epektibo ang pagse-save ng pera para maging handa sa lahat ng pagkataon, kailangang matutong umiwas sa pagbili ng mga mamahaling bagay na hindi naman talaga kailangan.

“These are things that we can do without. Stick with the basics, stick with the good quality stuff maybe.

“Hindi kailangan na gumastos ka in things like these because at the end of it all hindi mo rin kailangan,” sey pa ni Richard.

Ngayong 2021, looking forward siya sa mga bago at exciting na mangyayari sa kanyang career sa GMA 7, “I plan to back to working really hard this 2021 because 2020 was really, wala talaga.

“There was no work, business was so bad. So we want to make up for 2020 and do everything that we can in 2021,” chika pa ng aktor.

Pahabol pa niyang mensahe para sa lahat ng Pinoy na umaasa ring mas magiging maganda at masagana ang buhay ngayong taon, “This 2021, we should be doing everything that we should have done in 2020 but better.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Treat other people better, do things better, work harder. Those are the things that we should keep on doing. We should improve ourselves, and we should improve the lives of people around us also,” lahad pa ni Richard Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending