Paulo Avelino isinugal ang pangalan, reputasyon at imahe sa 'Fan Girl' | Bandera

Paulo Avelino isinugal ang pangalan, reputasyon at imahe sa ‘Fan Girl’

Ervin Santiago - January 04, 2021 - 09:43 AM

MAS tumindi pa ngayon ang paghanga at pagsaludo ng direktor na si Antoinette Jadaone sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Para kay Direk Antoinette, talagang deserving itong manalo ng best actor sa Metro Manila Film Festival 2020 para sa pelikula nilang “Fan Girl dahil napakahirap ng ginampanan nitong role sa pelikula.

Bukod kay Paulo, nagwagi rin si Antoinette bilang Best Director at best actress naman ang female lead star nilang si Charlie Dizon sa ginanap na Gabi ng Parangal last week.

Ayon sa direktor ng “Fan Girl” mas grabe ang naramdaman niyang kaba nang ia-announce na ang best actor at best actress award.

“Ang nasa isip ko lang talaga yung Best Actor and Best Actress, kasi yun talaga yung gusto ko mapanalunan. Parang magwawala talaga ako pag hindi sila nanalo. Kasi alam ko yung hirap.

“Mahirap gawin talaga yung pelikula for them. Sinasabi nila all praises kay Charlie and that’s a given when you watch the film. Pero I think much should also be given to Paulo Avelino.

“His decision to take on the role and put his name, his reputation, his image, and his branding on the line, I think shoo-in na dapat yun for Best Actor.

“So nu’ng nananalo na sobrang canal na canal kami, sobrang rambol. Tuwang-tuwa kami. Pero pinakakinakabahan talaga kami du’n sa Best Actor at saka Best Actress kaya sobra yung sigaw namin nu’ng sila na yung nanalo,” pahayag ng direktor sa isang panayam.

Pag-amin pa ni Direk, “Actually nu’ng sinusulat ko yung script, yung research ko hindi ko kinausap si Pau. Hindi ako nagtanong kung totoo ba ito or ganyan.

“So ang research ko for the character of Paulo as Paulo ay mga tsismis tungkol sa kanya, mga nasulat tungkol sa kanya. Pinanood ko yung clips niya noon sa StarStruck, pinanood ko yung mga pelikula niya, kung paano siya sumagot.

“Kasi gusto ko yung perspective, galing sa perspective ni fan girl. Eh, si fan girl naman hindi niya nakakausap yung totoong Paulo Avelino. Tapos nu’ng sinu-shoot namin, hindi ko naman alam kung totoong nangyari sa kanya.

“Baka nangyari or hindi pero hindi na kami nag-discuss kasi nga yung pini-play naman ni Paulo ay hindi si Paulo pero si Paulo na sinulat ko,” paliwanag pa ng MMFF 2020 Best Director.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That’s why sobrang nabilib talaga ako kay Pau kasi parang tatlong kinds of Paulo yung ginawa niya na kailangan niya isipin. Paulo na totoong Paulo, Paulo na nasa script, at Paulo na gagawin niya na character for the film. Pero bahala na siya du’n so nahirapan din siya,” patuloy pang papuri ni Antoinette kau Paulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending