Ate Guy hindi na umaasang magiging National Artist: Meron pang iba na mas karapat-dapat po | Bandera

Ate Guy hindi na umaasang magiging National Artist: Meron pang iba na mas karapat-dapat po

Ervin Santiago - January 04, 2021 - 09:23 AM

HINDI na umaasa ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na mabibigyan pa siya ng pagkilala bilang National Artist ng Pilipinas.

Sapat na raw kay Ate Guy ang patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng mga Filipino lalung-lalo na ng kanyang mga loyal fans sa lahat ng kanyang mga proyekto mula noon hanggang ngayon.

Nagpaabot din ng walang hanggang pasasalamat ang award-winning veteran singer-actress sa mga grupong patuloy na nagsusulong na mapasama siya sa hanay ng mga National Artist for Film and Broadcast Arts sa bansa.

“Nagpapasalamat po ako sa mga tao na naniniwala sa aking sining, at naniniwala na kung karapat-dapat ako na sinasabi nga nila na maging National Artist.

“Hayaan na po natin na ang Diyos ang magpatunay niyan at kung yan at talagang ipagkakaloob sa atin, talagang ibibigay po sa atin iyan. Kung hindi naman, salamat pa rin po,” aniya pa.

Dalawang beses nang napasama sa listahan ng mga nominado ang Superstar sa pagka-National Artist ngunit pareho itong hindi naaprubahan.

Kinukuwestiyon kasi ng ilang sektor ang kredibilidad ni Ate Guy, kabilang na ang naging buhay niya noong mga nakalipas na taon, para hirangin siyang National Artist.

Wala naman daw issue sa mga achievements ng Superstar pagdating sa pagiging showbiz icon dahil talaga namang napakarami na niyang napatunayan sa larangan ng sining. Hindi lang sa Pilipinas siya gumawa ng kasaysayan kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Alam n’yo po, kahit na sabihin ko man na noon pa man, nababalita na ako po ay ino-nominate sa pagiging National Artist, ako po naman ay talagang hindi umaaasa. Yan po ang totoo niyan,” pahayag ni Nora sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “Pero sa aking paniniwala, mayroon pang ibang artists siguro na mas karapat-dapat po kaysa sa akin na kanilang hihirangin bilang National Artist.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending