Barbie hindi in-expect na magiging dyowa si Diego: Akala ko magkaibigan lang kami forever
HINDI in-expect ni Barbie Imperial na magle-level up at mauuwi sa seryosong relasyon ang friendship nila ni Diego Loyzaga.
Matagal nang magkaibigan ang dalawa dahil iisa lang ang circle of friends nila kaya hindi na nakapagtataka kung na-develop nga ang feelings nila para sa isa’t isa.
Unang ibinandera ng aktor ang pagkakamabutihan nila ni Barbie sa pamamagitan ng social media kung saan nag-post siya ng sweet photo nila ng dalaga na kuha sa isang beach resort sa Bohol.
“Happy new year to us (heart emoji) thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets gooo 2021!!” ang caption ng binata sa kanyang Instagram post.
Makalipas naman ang dalawang araw, si Barbie naman ang nagbahagi ng litrato nila ni Diego sa IG kung saan nabanggit nga niyang nagsimula talaga ang love story nila ni Diego sa pagkakaibigan.
“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one.
“Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you,” ang caption na isinulat ng Kapamilya actress sa kanyang post.
Nakiusap din siya sa mga netizens na huwag naman sanang mangnega ang mga ito sa kanyang pagiging “cheesy”, “Pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito.”
November, 2020 nang aminin ni Barbie sa morning talk show na “Magandang Buhay” na nililigawan siya si Diego, “Siguro po nagpaparamdam, opo.”
“Actually po, magkaibigan talaga kami before pa. Super close talaga kami. Matagal po kaming hindi nagkita pero isa lang din po yung grupo namin.
“Tapos yung mga friends po namin, gusto nila ‘Try niyo kaya mag-date ni Diegs.’ Tapos parang kami, ‘Huwag na, huwag na,’” kuwento pa ng dalaga.
Dagdag pa niyang pahayag, “Kasi parang nu’ng 2018, parang ang dami ko nang pinagdaanan sa love life and si Diegs din. So parang ako, hindi. Hindi kami perfect for each other nu’ng time na yun. Recently na pumunta sila sa house, parang ako, hindi pa rin, eh.”
Inamin din ni Barbie na nagdalawang-isip siya noon na maging sila ni Diego dahil ayaw daw niya itong masaktan sakaling magkaroon sila ng problema o issue.
“Kaibigan ko siya, eh. And alam ko po yung pinagdaanan niya. Ayaw ko maging babae na ibe-break yung heart ni Diegs.
“So parang tinuloy namin na maging friends na lang muna tayo. Kapag alam mo po kasi yung pinagdaanan ng isang tao, ayaw mo siyang ibalik sa situation na yun ulit,” esplika pa ni Barbie.
Pero sabi nga ng ilan nilang mga tagasuporta, baka talagang pinagtagpo sila at itinadhana para sa isa’t isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.