Dating basketball player pasaway sa shooting: Akala mo naman napakagaling! | Bandera

Dating basketball player pasaway sa shooting: Akala mo naman napakagaling!

Reggee Bonoan - January 03, 2021 - 05:06 PM

MAY attitude problem pala ang dating basketbolista na nakasama sa isang pelikula dahil kaibigan siya ng bida.

Walang work ngayon ang basketball player dahil sa pandemya kaya pumayag na rin siyang lumabas sa pelikula.

Nakakaapat na shooting days na ang dating basketbolista kaya more or less ay kilala na niya ang production staff ng pelikula na laging tumatawag sa kanya para sa call time.

Naloloka ang production staff dahil ilang beses na nilang tinatawagan at tine-text ang dating basketbolista para sa schedule ng shooting nila pero hindi sila sinasagot.

Nang dumating sa location ang dating basketbolista ay diretso kaagad siya sa kaibigan niya at sinabing may tawag nang tawag at text nang text sa kanya para ipaalala ang call time at location.

“Hindi ko sinasagot kasi hindi naman nagpapakilala, hindi ko siya kilala,” katwiran nito sa kaibigang bida sa pelikula.

Naiiling ang producer ng pelikula dahil nakaapat na shooting days na nga siya at palaging ipinapaalala ang call time at location sa kanya ng staff pero hindi pa rin nito malalaman kung sino ang ka-text niya?

“Wala naman siyang ibang pelikulang ginagawa o TV show, sino pa ba ang magte-text sa kanya ng ganu’n? May attitude rin, eh.  Akala mo naman kagaling-galing,” katwiran ng production staff.

Tsinek namin ang dating basketbolista na in fairness ay sikat naman dati pero may attitude nga at tanda nga namin noon na suplado pa ito sa mga nagpapa-picture sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending