Hula kay Bea ngayong 2021: Bongga ang career, magpapakasal at magkakaanak daw, pero…
POSIBLENG ikasal ang award-winning actress na si Bea Alonzo pitong buwan o pitong taon pa mula ngayon.
Iyan ang hula sa kanya nang sumabak sa tarot card reading kamakailan kasama ang kaibigan niyang komedyana na si Kakai Bautista.
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Bea ang ilang mga hula sa kanya ng tarot card reader na si Niki Vizcarra, kabilang na nga riyan ang tungkol sa kanyang lovelife.
In fairness, magiging bonggang-bongga naman daw ang personal na buhay at career ng dalaga ngayong 2021. Napakarami raw niyang projects na gagawin this year kaya maraming pera ang papasok sa kanyang bank accounts.
Bago magsimula ang tarot card reading, nagdasal muna sina Bea, Kakai at Niki para gabayan sila ng Diyos sa kanilang gagawin.
Ipinagdiinan dito ni Niki na hindi “demonic” ang pagbabasa ng kapalaran ng isang tao dahil sa Itaas din sila humihingi ng gabay at tamang kaisipan para sa kanilang ginagawa.
Ayon naman kay Bea, naniniwala siya at kine-claim na niya na mas magiging maganda, napayapa, malusog at masagana 2021 para sa lahat ng mga Filipino sa buong mundo.
“I pray that 2021 will be a better year for all of us. I’m claiming it. We will all survive and we will apply all the things that we have learned in 2020. I’m so energized, I’m so excited for what’s in store for everyone this year,” pahayag ng dalaga.
Dagdag pa niya, “If there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door, you should always say yes.”
Panigurado naman ni Niki na sinabing magiging successful ang unang pelikula ni Bea ngayong taon: “Very long life ka, very bongga ang career mo.”
Ayon kay Niki, magsusunud-sunod ang blessings kay Bea this year, kabilang na riyan ang walong bonggang project na ang isa ay sa ibang bansa pa mangyayari.
Kinumpirma naman ng aktres na tatlo ang gagawin niyang pelikula ngayong 2021, “I will be doing three movies in fact, until June. And I’m glad that I can share it with you.”
Pero may babala naman ang manghuhula sa dalaga pagdating sa balak nitong pagnenegosyo — kailangan daw siyang maging maingat lalo na’t malaking pera raw ang involved dito. Magiging matagumpay naman daw ito kapag natutukan niya ang nasabing business.
Sa isang bahagi ng video, hindi na nakatiis si Bea at diretsahan nang tinanong kung ikakasal pa ba siya.
“Later on pa nga. Civil muna. Hindi ka church sa una. Medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now,” sagot sa kanya ni Niki.
Hirit naman ng aktres, “Seven months? Hindi pwede may trabaho ako. Seven years naman ang tagal. Ang tanda ko na nu’n.” Kung susumahin, 40 years old na raw siya kapag nagkatotoo ang hula.
Sagot sa kanya ng tarot card reader, “Pero bongga naman ang marriage life mo after. Kasi if you’ll be married now, my chances kang mag-separate kasi.”
Nakita naman ni Bea sa napiling baraha na ang imahe ng isang lalaki sabay dialogue ng, “Bakit puti na ‘yung buhok? Matanda na?” Na sinagot ni Niki ng, “Mature na kasi siya mag-isip. Love lies true.”
At sa tanong kung magkakaroon ba siya ng anak, tugon sa kanya ni Niki, “Supposed to be tatlo eh. Pero ang klaro sa akin dalawa. One girl, one boy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.