9 na pulis na sangkot sa pagpatay ng 4 na Army intel agents, sinibak sa serbisyo | Bandera

9 na pulis na sangkot sa pagpatay ng 4 na Army intel agents, sinibak sa serbisyo

- January 02, 2021 - 07:49 AM

Tinanggal sa serbisyo ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas ang siyam na pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa apat na  Army intelligence agents sa Jolo, sa lalawigan ng Sulu noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ang mga tinanggal ay sina Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Master Sergeant Hannie Baddiri, Staff Sergeant Iskandar Susulan, Staff Sergeant Erniskar Sappal, Corporal Sulki Andaki at Patrolman Moh Nur Pasani mula sa  Jolo Municipal Police Station.

Inalis na rin sa serbisyo sina Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkajal Mandangan at Patrolman Rajiv Putalan mula sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Sulu police.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na inaprubahan ni Sinas ang pagtanggal sa siyam na miyembro ng PNP noong Biyernes, ayon na rin sa rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS).

Maaaring umapela sa National Police Commission ang siyam, na hanggang nitong Biyernes ay nanantiling nasa  restrictive custody sa Camp Crame sa Quezon City.

Inabisuhan ng PNP ang Department of Justice na sa loob ng 10 araw matapos na maging pinal ang pagtatanggal sa serbisyo at walang  arrest warrant na inilabas ang korte laban sa siyam, ire-release na ang siyam na pulis sa kanilang kamag-anak.

“They are no longer police officers. And as such, putting them into police custody is tantamount to violating their right to liberty while the criminal case is pending against them,” paliwanag ni Usana.

Pinayuhan niya ang siyam na pulis na huwag magtago sa oras na sila ay palayain “dahil lalo lamang silang malalagay sa malaking gulo kapag sila ay tumakas. Kailangan nilang harapin ang kanilang kaso sa korte.”

Noong Setyembre, naghain ang PNP IAS na kasong administratibo laban sa mga nasabing police officers.

Nagsampa ang National Bureau of Investigation ng kasong murder at planting of evidence laban sa siyam.

Mula sa ulat ng Philippine Daily Inquirer

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending