Vietnam iniulat ang unang kaso ng bagong coronavirus variant | Bandera

Vietnam iniulat ang unang kaso ng bagong coronavirus variant

- January 02, 2021 - 02:30 PM

Isang volunteer ang tinuturukan ng  ng Nanocovax vaccine ng Vietnamese military medical official. (Vietnam News Agency/AFP)

HANOI — Nagtala ang Vietnam ng unang kaso nito ng bagong coronavirus variant na ngayon ay mabilis na kumakalat sa Great Britain, ayon sa ulat ng  health ministry ngayong Sabado.

Na-detect ang bagong klase ng coronavirus sa isang 44-anyos na babae na bumalik sa Vietnam nula sa Britain. Na-quaratine siya pagkarating ng bansa at nakumpirmang positibo sa virus noong Disyembre 24, ayon sa pahayag ng ministry.

“Researchers ran gene-sequencing on the patient’s sample and found the strain is a variant known as ‘VOC 202012/01’,” dagdag pa nito.

Ang bagong klase ng coronavirus ay may kaakibat na genetic mutation na sa teorya ay maaring magresulta ng mas mabilis na paglipat ng virus sa pagitan ng mga tao.

Maraming bansa sa daigdig ang nag-impose ng travel restrictions sa Britain para hindi kumalat ang bagong variant, na ayon sa mga siyentista ay 40-70% na mas nakakahawa kaysa sa orihinal na Covid-19.

Mula sa ulat ng Reuters
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending