Panibagong misteryosong monolith natagpuan sa Canada | Bandera

Panibagong misteryosong monolith natagpuan sa Canada

- January 02, 2021 - 09:32 AM

OTTAWA, Canada–Isang misteryosong monolith — kapareho sa saglit na sumulpot sa disyerto ng Utah sa US, sa liblib na lugar sa Netherlands, sa Warsaw, at sa tuktok ng isang burol sa Romania — ay natagpuang nakatayo sa baybayin ng Toronto sa Canada.

Ayon sa mga mamamahayag ng Canada, ang 12 talampakang makintab na bakal ay nakita sa baybayin ng siyudad noong Bisperas ng Bagong Taon.

May mga katulad pang istruktura na naiulat din sa Vancouver at sa Winnipeg.

Sa mga litratong naka-post sa social media na naglalarawan dito na “Mono-terrific” ay makikita sa malayo ang kabayanan ng Toronto, kabilang na ang kilalang CN Tower.

Sabik ang mga residente na makita ang monolith na ayon sa mga haka-haka sa internet ay maaaring isang anyo ng sining na iniwan ng mga alien, o di kaya naman ay promosyon para sa isang pelikula.

Nababahala naman ang iba na dadagsa ang mga tao sa Humber Bay Shores, na isang paglabag sa regulasyon ng gubyerno para masawata ang pagkalat ng Covid-19.

Gaya ng iba pang monolith na biglang sumulpot at naglaho, walang umaangkin kung sino ang nasa likod ng misteryosong istrukturang ito.

Nitong Biyernes ng umaga, ang monolith sa Toronto ay inatake ng vandals at pininturahan ng pula.

Nabalita sa buong mundo ang paglitaw ng unang monolith sa disyerto ng Utah noong Nobyembre, at marami ang nagsasabi na kamukha ito ng monolith sa sci-fi na pelikulang  “2001: A Space Odyssey.”

Mula sa ulat ng Agence France-Presse

Ang mga monolith na misteryosong sumulpot at nawala: (mula sa kaliwa) disyerto ng Utah, sa bukirin ng Assenede at sa Riemst sa Belgium. (AFP/Reuters)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending