Miriam Quiambao nakatanggap pa ng bonggang blessing bago mag-2021: I’m positive!
“I’M positive!” Yan ang balitang ibinandera ng aktres at dating beauty queen na si Miriam Quiambao bago magpaalam ang taong 2020.
Ayon sa TV host at Miss Universe 1999 first runner-up, may humabol pang blessing para sa kanilang pamilya sa pagtatapo ng taon — at yan nga ay ang pagbubuntis niya sa kanyang second child.
Sa latest vlog nila ng asawang inspirational speaker na si Ardy Roberto, ibinahagi nga nila ang good news sa madlang pipol. Eight weeks and six days pregnant na ang aktres nang gawin nila ang kanilang video.
“Amidst all the bad news that marked 2020, grabe ‘tong 2020, we wanna end this with a high note, a happy note,” simulang pahayag ni Ardy.
Ayon naman may Miriam, “Thank God kasi meron Siyang naging surprise for us before Christmas, actually.
“We’re now so excited to share with you the great news that I’m positive—not coronavirus, but I’m positively pregnant!” dagdag pa ng former beauty queen.
Two weeks ago pa nalaman ng mag-asawa na magkakaroon na sila uli ng baby, “We weren’t really expecting. Well, we were praying. Praying and planning pa lang.
“Tapos nagulat na lang ako kasi November, nag-skip ako ng period. So, I was counting today, sabi ko ang tagal na.
“Tapos ‘yung mga symptoms ko before, when I was first pregnant with Elijah, like tenderness of the breasts, ‘di ko nararamdaman.
“Pero ang napapansin ko, para akong laging hapong-hapo, parang lagi akong pagod, feeling ko tamad ako, parang gusto ko lang matulog.
“Tapos hindi naman ako nasusuka. By God’s grace, kahit kay Elijah hindi ko naramdaman ‘yung pagsusuka na ‘yun. So walang indication except for the missed period,” excited pang kuwento ni Miriam.
Sa susunod na linggo nakatakda ang prenatal test ni Miriam at doon na rin nila malalaman kung boy or girl ang magiging baby nila.
Isinalang ni Miriam ang panganay nila ni Ardy na si Elijah noong Feb. 16, 2019 makalipas ang 4 na taong paghihintay. Ikinasal ang mag-asawa noong March, 2014 sa Tagaytay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.