Miriam Quiambao naging suicidal matapos ang failed marriage

Miriam Quiambao matapos ang failed marriage: ‘Lord, Kunin Nyo na ako’

Therese Arceo - August 23, 2024 - 01:53 PM

Miriam Quiambao matapos ang failed marriage: 'Lord, Kunin Nyo na ako'

NAGING bukas ang TV host-actress at Miss Universe Philippines 1999 na si Miriam Quiambao patungkol sa kwento ng kanyang buhay matapos ang kanyang failed marriage.

Sa kanyang panayam kay Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel ng huli, naging bukas siya sa kanyang mga pinagdaanan matapos ang kanilang divorce ng dating asawa na si Claudio Rondinelli.

Inalala ni Miriam kung paano siya na-excite noon na magpakasal at magsimula ng pamilya.

Pakiramdam niya ay magkakaroon lang ng kabuluhan ang buhay kung magkakaroon siya ng asawa’t pamilya.

“I was looking for meaning and searching. Sabi ko, ‘Siguro magkakaroon ng meaning ang buhay ko kapag meron na akong pamilya or asawa,'” saad ni Miriam.

Nagdesisyon pa siyang lumipad papuntang Hong Kong kasama si Claudio at iniwan ang kanyang buhay at career sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Miriam Quiambao, mister na si Ardy Roberto nag-renew ng wedding vows

Sa una ay puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama ngunit habang tumatagal ay gumugulo na ang kanilang buhay mag-asawa na siyang nagresulta ng kanilang paghihiwalay.

“I was so empty emotionally and spiritually, and I didn’t feel loved in that marriage. Like if I stayed on and insisted and I didn’t have my support system around me, I was going to die or probably get very, very sick and die,” pagbabahagi ni Miriam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matapos ang kanilang divorce ay bumalik si Miriam sa janyang pamilya.

Amin niya, nagkaroon siya ng suicidal thoughts habang pino-proseso ang masakit na karanasan.

“Ang taas-taas ng expectation ko tapos ganito. I was suicidal. I was ultra-depressed and diagnosed with bipolar depression,” sey ni Miriam.

Dito na nga sinimulan ng dating beauty queen ang kanyang purpose sa buhay at pakiramdam niya, wala na siyang rason pa para mabuhay.

“I remember lying down in the sofa of my parent’s house. Sabi ko, ‘Lord kunin niyo na ako. Wala na akong dahilan para mabuhay’ kasi lahat ng pangarap ko nakalakip sa marriage na iyon eh. So I just want to end my life,” kuwento pa ni Miriam.

Sa kabila ng mga pagsubok ay eventually, umabot rin sa healing ang TV host-actress.

Nabigyan si Miriam ng show sa GMA na “Pinoy Meets World” na naging distraction niya.

“That kinda kept me busy, distracted from my own problems, allowed me to earn my own keep,” aniya.

Noong nahirapan si Miriam maghanap ng trabaho sa industriya ay nagdesisyon siyang mag-post sa Playboy Magazine na siyang umani ng kuwestiyon mula sa kanyang ama, sa religious group na kinabibilangan na siyang nagresulta para muling kuwestiyunin ang kanyang pananampalataya at kinabukasan.

“Noon, I used to be so sure of every step that I would make. I was so confident. But when all of this happened, parang wala na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I had to go back to, ‘Paano nga ba ako naging successful noon? Ah, si God pala,'” sey ni Miriam.

Mas pinili niya na pagtibayin ang pananampalataya at doon na niya nakilala ang kanyang kasalukuyang asawa na si Ardy Roberto.

Nagpakasal sila noong 2014 at ngayon ay may tatlo nang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending