Mga bagong bayani sa panahon ng pandemya pinarangalan sa 'GAA 2020' | Bandera

Mga bagong bayani sa panahon ng pandemya pinarangalan sa ‘GAA 2020’

Ervin Santiago - December 31, 2020 - 12:51 PM

BAGO tuluyang magpaalam ang makasaysayang 2020, kinilala at binigyang-parangal ang ilan sa mga maituturing na bagong bayani sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Pinarangalan ng Ginebra San Miguel Inc. ang mga ito sa katatapos lang na “Ginebra Ako Awards Year 3: Pagkakaisa sa Gitna ng Pandemya” na ipinalabas sa isang virtual ceremony sa official Facebook page ng GSMI.

Sa kabila ng pandemya, ipinagpatuloy nila ang taunang Ginebra Ako Awards (GAA) dahil mas lalong mahalagang kilalanin at bigyang parangal ang mga Pilipinong nagpamalas ng pambihirang pagmamalasakit sa kapwa sa panahong ito upang magsilbing inspirasyon sa nakararami.

Ang mga katangi-tanging Pinoy at organisasyon na pinarangalan para sa kanilang kontribusyon ngayong panahon ng pandemya ay sina Martin Xavier Peñaflor, Chief Executive Officer ng Tangere para sa Pilipino Ako Award; Minnie Pascual Klepacz, isang nurse mula sa United Kingdom at isa sa mga nanguna sa pagtatag ng Black Asian and Minority Ethnic (BAME) Network at Filipino Nurses Association United Kingdom (FNA-UK) para sa Matapang Ako Award; at ang Emergency Quarantine Facility Project nina Dr. Glenn Angeles at Architect William Ti para sa Lalaban Ako Award.

Ang mga runners-up sa bawat kategorya ay pinarangalan din tulad nina Sr. Corrie Evidente, Hospicio de San Jose administrator (1st runner-up) at Ma.

Cristina C. Evangelista, Rapid Deployment Hospitals founder at project head (2nd runner-up) para sa Pilipino Ako Award; Zion Enrico Roque Licup, iUplift Philippines Co-founder (1st runner-up) at Coleen Danielle Natividad, Food For Frontliners PH Founder (2nd runner-up) para sa Matapang Ako Award; at Anthony James Bautista, Ph. D ng LISA Logistic Indoor Service Assistant Robot (1st runner-up), at Dr. Francis Aldrin Uy ng USHER Technologies (2nd runner-up) para sa Lalaban Ako Award.

Ang lahat ng pinarangalan ay nakatanggap ng cash prize kasama ang tropeo para sa mga nanalo, at certificate naman para sa mga runners-up.

Para kay Matapang Ako awardee Minnie Pascual Klepacz na mula sa UK, naramdaman niya na higit na mas kailangan ngayong pandemya ang malasakit at pagkukusa para mas matulungan ang kapwa Pilipino.

“At kahit na pagod, hindi mo ito mararamdaman pag nakikita mo silang masaya tapos kapag nakikita mong gumagaling at bumabalik na sila sa trabaho. ‘Yun ang talagang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Kailangan mong tapangan ang sarili mo,” ani Klepacz.

Ipinahayag naman ni GSMI General Manager Noli Macalalag na ang mga layunin at adbokasiya ng mga kinilala sa GAA ay sumasalamin sa tunay na diwa at kahulugan ng kanilang kumpanya.

“Sa pamamagitan ng munting pagkilalang ito, kayo nawa ay lalo pang maging ganado at lalo pang maging matapang na ipagpatuloy ang inyong mga adhikain.

“Sana kayo rin ay magsilbing inspirasyon at maging daan sa pagkakaisa ng lahat para sa ating iisang hangarin – ang mai-angat pang lalo ang mas nakararaming Pilipino,” ani Macalalag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending