Derek may hugot sa pagbibinata ng anak; matagal na nga bang hindi nagkikita? | Bandera

Derek may hugot sa pagbibinata ng anak; matagal na nga bang hindi nagkikita?

Ervin Santiago - December 31, 2020 - 09:48 AM

SIGURADONG miss na miss na ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay ang kanyang anak na si Austin sa dating partner na si Mary Christine Jolly.

Kung hindi kami nagkakamali, 17 years old na ang bagets na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Dubai, UAE kasama ang kanyang nanay.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Derek ang throwback photo nila ng anak na kuha noong 2015. Isa ito sa father and son bonding moments nila noong muli silang magkasama makalipas ang mahabang panahon.

“How time flies,” ang maikli ngunit punumpuno ng emosyon at kahulugang caption ng aktor sa kanyang IG post with matching call me emoji.

May mga nagkomento na baka matagal nang hindi nagkakasama ang mag-ama kaya naman idinaan na lamang ni Derek sa IG ang pagka-miss at pangungulila sa kanyang anak.

Sa isang panayam, inamin naman ng binatang ama na hindi rin perfect ang relasyon nila ni Austin. May IG post din siya noon kung saan may binitiwan siyang pangako sa anak pagkatapos nilang mag-bonding together noong nakaraang taon.

“We may have our misunderstandings but always remember I love you and want what’s best for you,” ani Derek.

Kung matatandaan, taong 2014 nang umamin ang aktor na meron na nga siyang anak kay Mary Christine.

“Since then, I wanted to know my son first and keep my relationship with him, private,” sey ng Kapuso star.

Aniya pa sa isang panayam, “Austin was just an 8-year-old boy then and he would not be able to comprehend the possible media curiosity about him, especially since he was then new to the country and about to pursue his education here.

“Given the circumstances between Mary and I, which is far from ideal, I had to protect Austin first,” pahayag pa ng ex-boyfriend ni Andrea Torres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong nagdaang January naman (2020) ibinandera ng kampo ni Derek na ang sinasabing kasal nila ni Mary Christine, “has long been declared null and void. He was confirming the fact that he is no longer married to anyone.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending