Kilalang celeb na natalo sa MMFF 2020 Gabi Ng Parangal nagmamaktol, masama ang loob | Bandera

Kilalang celeb na natalo sa MMFF 2020 Gabi Ng Parangal nagmamaktol, masama ang loob

Reggee Bonoan - December 28, 2020 - 04:22 PM

BAGAMAT nakangiti ang isa sa nominadong artista sa Metro Manila Film Festival 2020 ay masama ang loob nito dahil hindi siya nanalo sa kategoryang kasama siya.

Kilala naman kasi ang artistang ito sa larangan ng pag-arte at talagang marami na rin siyang acting awards mula sa mga dati niyang pelikula.

Kaya bukod sa kanya ay marami ang nagtatanong kung bakit tila hindi man lang napansin ang husay nito sa entry niya sa MMFF.

Pero ang co-nominees ng artistang ito ay tanggap na ang kanilang pagkatalo dahil mahusay din naman talaga ang winner na tumalo sa kanila.

At higit sa lahat, hindi naman puwedeng sila na lang lagi ang mapapansin kapag may film festival.

Kailangan din namang bigyang parangal ang ibang artista lalo pa kung talagang magaling at deserving naman.

Ang masama kung pinanalo ng MMFF judges ang isang nominado na kuwestiyonable naman ang ipinakitang performance. Yun ang hindi katanggap-tanggap.

Maging ang producer ng pelikula na kasama ang nominadong artista ay nagtataka kung bakit hindi nanalo ang bida niya.

Naniniwala siya na ibinigay din nito ang lahat para mabigyan ng hustisya ang ginampanang role sa pelikula nila.

Pero hindi naman masama ang loob ng produ dahil may mga inquiry na agad ang pelikula niya na gustong bumili nito sa malaking halaga.

Anyway, may bago uling project ang producer at plano ulit niyang isama ang artistang masama ang loob na hindi nanalo sa MMFF 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending