Pakiusap ni Jennylyn: Tigilan na ang ‘toxic’ Filipino trait: Hindi siya OK, maling-mali
NANAWAGAN ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa mga Filipino na tigilan na ang pagkokomento tungkol sa itsura ng mga taong muli nating nakita makalipas ang mahabang panahon.
Isa ito sa mga ipinaglalaban ngayon ng award-winning actress bilang bahagi ng kanyang adbokasiya kontra body shaming, lalo na sa social media.
Sa kanyang Twitter account nag-post si Jen ng mensahe para sa lahat ng kanyang followers na maging sensitibo sa feelings ng ibang tao at mag-ingat sa kanilang mga sasabihin lalo na kung tungkol ito sa pisikal na anyo.
“Can we discontinue this toxic Filipino trait na tuwing nagkikita ang hilig mag komento tungkol sa physical looks ng iba tulad ng — ‘uy tumaba ka.’
“It’s not okay. First of all it’s rude, second it may trigger some people na may ED (eating disorder). Maling mali,” sey pa ng Kapuso actress.
Agree naman ang karamihan sa mga netizens na nakabasa sa tweet ni Jennylyn pero may ilang kumontra sa kanya tulad na lang ng isang Twitter user na nagsabing, “Kung ayaw mo mapuna, alagaan mo sarili mo ganu’n lang yun.”
Reply naman sa kanya ng girlfriend ni Dennis Trillo, “Maling mentality. Unang una, bakit kailangan may mapuna? Hindi ba dapat wala to begin with?
“Unless someone asks you a question, don’t give unsolicited advice. Hindi ba natin kaya makipagusap sa isa’t isa na walang punahan o judgement?”
Dagdag pa niyang paliwanag, “What I’m saying is not everyone would like to be commented sa kanilang appearance.
“Nakakalungkot magbasa ng comments dito ng mga taong naaapektuhan ang self esteem. It shouldn’t be the case. Haaay.”
“May mas malalim pa na usapan dito tungkol sa pagequate ng worth ng tao sa kanilang physical appearance,” aniya pa.
Dagdag pang hugot ni Jen, “Physical appearance has nothing to do with the quality of the person…Haaay. Senxa na bessies. Naiisip ko lang eto. Lalo na pag nababasa ko tweets ninyo.”
Comment ng isa niyang Twitter follower, “I Agree! I only realized how off-putting this was when I moved away. Tapos umuwi ako. Sana mayroon pa ibang mas Mabuting topic to break the ice Kaysa weight, looks, marital status, etc. marami naman puwede.”
“This is so true. I stopped going to reunions and meeting my relatives because of those Titas na parang walang ibang mabati kundi ‘Uy tumaba ka’. Nakakababa din ng self-esteem,” sey naman ng isang fan.
Chika ng isa pang netizen, “Nakakalungkot na mismong sa kapamilya mo maririnig ang mga ganitong salita haha they even make fun of it. Hindi nila alam naaapektuhan na rin pati self-esteem ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.