Ai Ai muling inokray ng K-Pop fans sa pagkanta ng BlackPink song: Wala sa tono, walang respeto... | Bandera

Ai Ai muling inokray ng K-Pop fans sa pagkanta ng BlackPink song: Wala sa tono, walang respeto…

Ervin Santiago - December 28, 2020 - 09:25 AM

TULAD ng inaasahan, kaliwa’t kanang batikos na naman ang natanggap ni Ai Ai delas Alas nang kantahin niya ang “Lovesick Girls” ng K-Pop girl group na BlackPink.

And as usual, nag-trend na naman ang performance niya sa social media dahil sa mga violent reaction ng sandamakmak na fans ng Korean group.
Sing and dance uli ang ginawa ng Kapuso comedienne noong mismong araw ng Pasko sa “The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat” na ipinalabas sa GMA 7.

In fairness, bongga naman kahit paano ang production number ni Ai Ai dahil ilang beses siyang nagpalit ng costume habang binabanatan nga ang “Lovesick Girls” ng BlackPink.

Pero sablay nga ang pagkanta niya dahil hindi niya ito nabigyan ng hustisya. Inamin naman niya na hirap na hirap siya sa ginawa niya at sa isa ngang bahagi ng kanta ay nag-dialogue pa siya ng, “Kaya ko ‘to!”

Pagkatapos ng kanyang production number, nag-post si Ai Ai sa kanyang Instagram account ng message para sa milyun-milyong Blinks (tawag sa fans ng BlackPink)  na nakapanood ng kanyang performance.

“Black pink ka pala e …mga blinks pasensya na muntik ng d kayanin pero INILABAN KO NAMAN… (apat naman sila na nakanta at nag rarap mag isa lang ako gumawa tulong naman [emoji]) wohoooooo!

“MERRY CHRISTMAS NALANG MGA KA BLINKS KO!!!!!!  #5thmemberoftheblackpink #lovesickgirlsblackpink #nasickakogirlpasensyana #payting #isalangakounawainnyonaman #mahirap palangkantahinangbpna4sila1langako,” aniya pa.

Aliw na aliw ang ilang nakapanood sa komedyana lalo na noong aminin niyang hirap na hirap na siya sa ilang parts ng kanta. Binati pa rin siya ng mga netizens dahil naitawid niya ang production number.

Comment nga ng Kapuso singer-actress at host ng “The Clash” na si Julie Anne San Jose, “Grabe walang kupas talaga! Nakakagood vibes palagi HAHAH merry Christmas Ate @msaiaidelasalas labyuuuu.”

Sagot naman ni Ai Ai sa kanya na isa sa mga judge ng “The Clash”, “@myjaps ano ba naman shooolie d ako makahinga sa ginawa ko hahahahha rap kanta palit hahaha nag memorize pa ko ny ganun din hahahahaha labyu shoolie ingat always and maligayang pasko.”

Pero kung meron ngang natuwa at naaliw, may ilang K-Pop fans ang umalma sa ginawa ni Ai Ai at nagsabing binaboy niya ang kanta. Dahil bukod daw sa hindi maintindihan ang pagbigkas niya sa lyrics, sintunado at wala sa tono ang pagkanta niya.

Comment ng isang netizen sa Twitter, “Kpop idols trying hard to sing OPM correctly and there’s Ai Ai Delas Alas At this point, what she’s doing is just disrespectful…if she can’t sing it properly, just stick to dancing.”

“Sana ibang song na lang ang kinanta niya. Kung hindi kaya wag ng pilitin. It’s disgusting. From start to finish out of tune. Sakit sa tenga,” sey ng isa pang nakapanood kay Ai Ai.

Isa namang Twitter user at K-Pop fan ang nagkumpara sa peformance ni Ai Ai sa cover ni Sandara Park at iKon member na si Jay ng hit song ni Inigo Pascual na “Dahil Sa ‘Yo.”

“When Dara of 2ne1 and Jay of iKON sing’s a cover of ‘Dahil Sayo’, they tried to correctly pronounce each words to respect the language.

“On the contrary, Ai Ai Delas Alas butchered Lovesick Girl’s of Blackpink and sounded so disrespectful especially to language itself. Gross,” pagpuna pa niya sa ginawa ni Ai Ai.

Nauna nang binanatan ang komedyana ng mga K-Pop fans nang kantahin niya noong Sept. 27, 2020 ang “How You Like That” sa “All-Out Sundays.”

 

Bukod pa ito sa pagkanta niya ng “Ddu Ddu Ddu Ddu,” kasama ang P-Pop group na SB19, sa grand finals ng “The Clash”, noong December, 2019.

Sa isang panayam, sinabi ng Kapuso star na super fan din siya ng BlackPink at wala siyang masamang intensyon kundi ang magpasabog ng good vibes.

“Wala naman akong intensiyon na masama kundi ang ibahagi ang talent ko sa pagkanta sa mga idol ko na BLACKPINK.

“Napasasaya ko sila, at the same time, okey nang ma-shock sila sa akin kesa ma-shock sila sa sakit na dulot ng COVID-19. Happy thoughts and good vibes lang,” sabi pa ni Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At mukhang hindi na rin siya apektado sa pamba-bash sa kanya ng mga K-Pop fans kaya naman go lang siya nang go sa pagkanta ng BlackPink songs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending