‘Halatang matalino ang sumulat at nagdirek ng The Boy Foretold By The Stars’
Kaya rin niya ito isinulat para i-share sa publiko at baka may maka-relate rin, at totoo nga ayon na rin sa ilang katoto nang mapanood namin ang movie sa nakaraang special screening na ginanap sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.
Nabanggit din ng direktor na inimbitahan niya ang mga kaibigan niya na panoorin ang pelikula nila sa MMFF at siguradong malalaman nila kung tungkol nga ito sa una niyang pag-ibig noong high school.
Kaya pagkatapos ng screening ay natanong si direk Dolly kung nasaan na ang first love niya bilang siya nga raw ang karakter ni Adrian Lindayag na si Dominic na na-in love sa kaklase niyang si Luke na ginampanan ni Keann Johnson.
“Ay nasa States na po siya,” natawang sagot ng direktor.
Kasama ba nito si Karen (ginampanan ni Rissey Reyes), ang kasintahan ni Luke sa pelikula? “Nag-break din po sila ni Karen,” ang natawang sabi ulit ni direk Dolly.
Tinanong namin kung may pamilya na si Luke sa Amerika, “Hindi ko po alam, eh. Hindi kami friends (sa Facebook). Ha-hahaha!” At dito na nga inamin ni direk Dolly na first love talaga niya si Luke.
Maganda ang pagkakalatag ng kuwento ng “The Boy Foretold By The Stars” at bitin pa ang ending kaya tinanong kung may sequel ang pelikula.
“Depende po kung kumita. Kung kumita po, meron ‘yan,” diretsong sabi sa amin.
Base sa pagtatanong namin ay maganda ang tickets selling ng “TBFBTS” dahil maraming LGBTQ plus ang namili na ng tickets pero hindi palang puwedeng ilabas ang figures.
Hindi naman magsisisi ang mga manonood nito dahil cute ang istorya bukod sa nakakakilig ay magagaling umarte ang lahat, walang tapon, walang naging OA at iisa ang sabi ng mga nakapanood, “Pangmatalino ang pelikula, halatang matalino ang sumulat at nagdirek.”
Anyway, napanood na ng isa sa producer na si Jodi Sta. Maria ang pelikula bago siya lumipad patungong Amerika nitong Dis. 21.
“Tinext niya po ako at tuwang-tuwa siya na ganito ang kinalabasan. Konti lang ang ini-expect namin and natuwa kami kasi nalampasan namin ‘yung expectations niya. She’s really, really happy for first time producing BL movie, maganda raw ang material,” pahayag ni direk Dolly.
Samantala, hindi nag-e-expect ng award si direk Dolly ngayong Metro Manila Film Festival Awards night pero kung sakaling mapansin ng mga hurado ang entry nila ay sobrang bonus na sa kanilang lahat ito dahil nga first time nilang mapabilang sa MMFF.
Rated G ang pelikula na mapapanood online streaming through UPSTREAM PH sa halagang P250 at buong pamilya ay makakapanood sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.