Angel nanawagan ng pagbabago sa PNP: Takot na po ang mga tao... | Bandera

Angel nanawagan ng pagbabago sa PNP: Takot na po ang mga tao…

Ervin Santiago - December 23, 2020 - 11:47 AM

MULING naglabas ng saloobin ang Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin tungkol sa walang awang pagpatay ng isang pulis sa mag-inang nakaaway nito sa Tarlac.

Ayon kay Angel, kailangan na talaga ng pagbabago sa hanay ng kapulisan para hindi na maulit pa ang brutal na pagpaslang sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

Kahit sumuko at nakakulong na ang suspek na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, hindi pa rin humuhupa ang galit sa kanya ng taumbayan.

Sa kanyang Twitter account, ni-repost ni Angel ang viral clip ng batang contestant sa isang segment ng “It’s Showtime” kung saan inilarawan nito ang mga pulis na nakakatakot dahil sa pagkakaalam das niya ay “nambabaril lang” ang mga ito.

Kumalat na ang nasabing video noon pero nag-viral uli dahil sa napapanahong issue hinggil sa mga trigger-happy na pulis at extrajudicial killings sa bansa.

Caption ni Angel sa ibinahaging video, “Eto ang dapat ingatan ng ating kapulisan na ang ‘nambabaril’ ay hindi dapat maging imahe ng mga magbibigay proteksyon at serbisyo sa sibilyan.

“Takot na po ang mga tao. Nirerespeto ko po ang mga mabubuting pulis at ayokong mawalan ng tiwala ang mga tao. Kailangan po ng pagbabago,” aniya pa.

Nauna rito, kinondena rin ni Angel ang brutal na pagpatay sa mag-inang biktima ni Nuezca, aniya, “Good cops should condemn bad cops. Remember the motto, #ToServeAndProtect.”

Samantala, sinabi naman ni Nuezca na kinasuhan na ng double murder case, na pinagsisisihan niya ang nagawang krimen pero sa korte na lamang niya sasabihin ang buong pangyayari at kung bakit niya nagawa iyon sa kanyang mga kapitbahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending