Mega nakiusap sa Sharonians: Wag n’yong sisihin ang ABS-CBN…
INIINTRIGA at nilalagyan ng malisya ng ilang netizens ang isyu kung bakit wala ang Megastar na si Sharon Cuneta sa bonggang ABS-CBN Christmas Special 2020.
May mga Sharonians kasi na nagrereklamo sa Kapamilya Network na dinedma na naman daw nila ang award-winning singer-actress sa annual Christmas event ng istasyon.
Nang makarating kay Mega ang mga pagkadismaya ng ilang niyang supporters nang hindi siya mapanood sa nasabing Christmas special ay agad siyang nag-explain.
Ani Shawie, inimbitahan naman daw siya ng mga bossing ng ABS-CBN para makibahagi sa show pero marespeto naman niyang tinanggihan ito.
“Please do not blame ABS-CBN for my absence in their Christmas Special last night! It wasn’t their fault. Ako ang di pumuwede,” paliwanag ni Sharon.
Sa katunayan, tinawagan at tinext pa siya ng mga executive ng network, “But I was getting several calls & texts from my boss to go. Sorry for the mix-up! couldn’t make it and am so sorry because I really wanted to be there!”
Kasama naman si Sharon sa Christmas station ID 2020 ng ABS-CBN at mananatili pa rin siyang Kapamilya dahil nakatakda siyang magbalik bilang isa sa mga judge ng reality competition na “Your Voice Sounds Familiar” kasama sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid.
Iyan ang isa sa mga in-announce sa omnibus plug ng ABS-CBN para sa mga aasahang programa ng madlang pipol para sa 2021.
Bukod pa riyan, makakasama rin siya sa pelikulang “Keys To The Heart” kasama sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.