Kilalang aktres sunud-sunuran lang sa dyowang aktor: Wala siyang sariling diskarte
SA tsikahan ng ilang katoto pagkatapos manood ng “The Boy Foretold By The Stars” sa ginanap na special screening sa Sine Pop ay napagkuwentuhan ang tungkol sa magkarelasyong aktor at aktres.
Laging laman ng balita ngayon ang dalawa na sobra raw talaga ang pagmamahalan. Wala namang kuwestiyon doon dahil bagay naman sila at mukhang maligaya sila sa isa’t isa.
Napansin lang ng isang katoto, “Si ____ (actress) halatang sunud-sunuran kay ____ (aktor), sobrang submissive parang puro ‘yes’ na lang siya sa lahat ng sinasabi ng jowa niya.”
Hirit namin, mukhang dominante talaga si aktor. Sabi rin ng kausap namin, “Exactly, ganu’n nga. Kawawa naman si ____ (aktres) kasi sa bahay nila, parang wala siyang boses, tapos sa jowa, parang wala rin, sunud-sunuran lang,” katwiran pa nito.
Ganu’n naman talaga ang nagmamahal, submissive sa taong mahal mo, di ba?
Bilang lang sa daliri sa kamay ang kaibigan ng aktres at dito siya nagsasabi ng mga problema niya at ang payo sa kanya ay matuto siyang mag-voice out dahil mahirap kapag sinasarili lang baka magkasakit siya sa kakakimkim lang.
Nakahanap ng bagong paglilibangan ang aktres para rito ma-divert ang atensyon niya at hindi ‘yung laging nag-iisip sa relasyon nila ng aktor na ito rin ang payo ng ilang kaibigan, maghanap siya ng ibang bagay na mapaglilibangan.
Mahilig nang magluto ngayon ang aktres at dahil hindi siya masyadong abala ngayon sa trabaho dahil sa pandemya ay nag-aral ng iba’t ibang recipes.
Ang ending, naisip ng dyowang aktor na gawing negosyo ang mga niluluto ng aktres para dagdag kita na may point naman.
Nabalitaan namin na nai-stress na naman ang aktres dahil dinidiktahan siya kung ano ang best seller sa online selling at iyon daw ang lagi niyang dapat lutuin.
Katwiran ng kaibigan ng aktres, “Nagluluto ka pampersonal hindi pambenta. Paano kung wala ka sa mood magluto hindi naman negosyo ‘yan.”
Hindi na lang kumibo ang aktres, as usual sinasarili na naman niya ang nararamdaman.
Abangan natin kung saan hahantong ang relasyon nina aktor at aktres, sana hindi totoo ang sinasabi ng feng shui experts na ang 2021 ay taon na naman ng hiwalayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.