Pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, nakuhanan ng video | Bandera

Pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, nakuhanan ng video

facebook
share this

Pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, nakuhanan ng video

- December 21, 2020 - 02:20 PM

Viral ngayon sa social media ang video ng pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Sa spot report ng Paniqui Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa Purok 2, Brgy Cabayaoasan pasado alas 5:00 ng hapon ng Linggo, December 20.

Patay ang mag-inang sina Sonya Gregorio, 52 anyos, at Anthony Gregorio, 25 anyos, matapos barilin ng pulis na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46 anyos.

Si Nuezca ay aktibong pulis at naktalaga sa Parañaque City Crime laboratory.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pamamaril pero makikita sa video, na inaawat ng kaniyang ina si Anthony na nakikipagtalo sa pulis.

Sa dulong bahagi ng video, makikita ang isang dalagita na anak umano ng suspek na nakipagsigawan naman sa biktimang si Sonya.

Sinagot-sagot ni Sonya ang dalagita habang patuloy na inaawat ang anak niyang si Anthony at doon na binaril ng suspek ang mag-ina.

Si Nuezca ay sumuko din kagabi sa Chief of Police ng Rosales Pangasinan police station.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending