Celine Pialago tinawag na 'demonyo' si Doris Bigornia: Pag idinemanda kita, tutuluyan na kita! | Bandera

Celine Pialago tinawag na ‘demonyo’ si Doris Bigornia: Pag idinemanda kita, tutuluyan na kita!

Ervin Santiago - December 20, 2020 - 12:29 PM

SUMABOG na ang galit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago kay ABS-CBN news reporter Doris Bigornia.

May konek ito sa traffic report ni Doris sa “TV Patrol” kamakalawa ng gabi tungkol sa “pagbubukas” ng dalawang U-turn slots sa EDSA.

Inamin naman ni Celine na sa kanya nga galing ang nasabing impormasyong bubuksan ang U-turn slots sa Quezon City Academy at Dario Bridge sa Balintawak pero aniya, kulang sa detalye ang iniulat ni Doris.

Sa kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin ang MMDA spokesperson laban kay Doris. Aniya, “Miss Doris Bigornia, I will really call your attention through my page since walang pakundangan mong nilabas ang isang viber message na hindi kumpleto.

“Remember the day, when you begged and asked for forgiveness in Mario’s Restaurant. Asking me to withdraw my case against you. Ang bait bait mo nun, umiyak ka at nagmakaawa.

“Naghanap ka ng padrino para makausap ako. Tinrato kitang tao. Ang pakiusap ko lang sayo. Tama na Mam, basta tama na kamalditahan mo,” ang matapang na mensahe ni Celine.

Ang tinutukoy ni Celine ay ang inihain niyang reklamo sa pamunuan ng ABS-CBN last year kung saan inakusahab niya si Doris ng pisikal na pananakit nang magkita sila sa fire drill sa Makati City Hall.

Aksidente kasing nabangga ni Celine si Doris kaya sinaktan at sinigawan umani siya ng reporter. Bukod dito, sinabi ng MMDA officer na sinisiraan din daw siya ni Doris.

Patuloy pang paglilinaw ni Celine sa bagong issue nila ni Doris, “Kanina sa report mo sa TV Patrol. Ako ang nagsabe na bukas na ang darrio bridge u turn, yes! pero hindi mo nilabas sa TV ang buong laman ng GC, nakalagay bukas un sa emegency vehicles at nung tinawagan ko si Sir Dexter Cardenas ng QC Traffic ngayong gabi, he confirmed and he said ‘yes mam pinagamit na po sa mga emergency vehicles.’ Tapos sasabihin mo nagdulot ng kalituhan ang message ko sa viber group?”

Babala pa ni Celine kay Doris, “This time hindi kita papalagpasin. Kung meron akong pagsisisi ngayong 2020, yun ay yung pinatawad pa kita. Demonyo kang reporter ka.”

“This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita Miss Doris Bigornia. Isasama ko yung pagsugod mo sa opisina ng MMDA para awayin ako, uulitin ko, pumasok ka sa opisina namin, sa sarili naming tahanan, para awayin ako,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending