Malupitang twist sa ‘The Clash’ finale mas pinatindi pa; matira-matibay sa Final 5
MAMAYANG gabi na magkakaalaman kung sino ang tatanghaling “The Clash” Season 3 grand champion.
Matapos ang tatlong buwang matitinding bakbakan at biritan showdown para sa titulo ng Grand Champion, sino nga kaya kina Renz Robosa, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Sheemee Buenaobra, Larnie Cayabyab at Fritzie Magpoc ang uuwing matagumpay.
Kagabi, naging top trending topic pa sa social media ang programa kung saan natanggal nga sa kumpetisyon si Larnie kaya limang matitibay na Clashers na lang ang maglalaban-laban tonight.
Hanga naman ang Clash Master na si Julie Anne San Jose sa mga contestant this season dahil sa pagiging pursigido at palaban ng mga ito. Malaki rin daw ang naging improvements nila.
Aniya, “Every week, pagaling sila nang pagaling. Sobrang nahihirapan kami, hindi lang ‘yung judges, pero pati kami as Clash Masters. Hindi namin alam kung sinong mananalo sa kanila kasi iba-iba sila ng galing.”
Sabi naman ng kapwa Clash Master ni Julie Anne na si Rayver Cruz, asahan daw ang mga “malupitang twist” sa finale ng “The Clash” dahil dito kilala ang programa.
Narito naman ang mensahe ng anim na grans finalists. Ayon kay Jessica, “I feel sad po. Madami po akong na-meet nga mga tao. I was able to learn many things, and knowing that the show will come to an end – masakit siya kasi napamahal na ako sa ibang Clashers.”
Para kay Jennie “bittersweet” daw ang pagsabak niya sa finals, “Mixed emotions po, may lungkot at saya. Hindi ko po malilimutan ‘yung journey na ito na naranasan ko sa The Clash. I’ll be forever thankful sa lahat po ng bumubuo sa competition na ito.”
Sey naman ni Larnie, “Sobrang saya po ng journey ko dahil nagkaroon ako ng new friends. Kami pong Clashers, magkakalaban lang po kami sa stage pero friends po kaming lahat. It’s an honor to meet amazing people behind the camera na tumutulong po sa amin.”
Isa sa mga best experience naman para kay Sheemee ang kanyang Clash journey, “Napakasaya po ng experience ko dito, I can say one of the best experiences this year. No words can express ‘yung feeling at yung high na binibigay niya everytime na nasa GMA ako at kasama ang lahat.”
Pahayag naman ni Renz na ilang beses na ring nakasali sa mga contest, “Hindi ko akalain na mabibigyan pa ako ng ganitong klaseng pagkakataon kasi akala ko hindi ko na ito ma-eexperience dahil medyo matagal na rin akong sumasali ng contest sa TV. Sobrang thankful po talaga ako sa The Clash for this opportunity.”
Sey ni Fritzie, “Maraming experience na ngayon ko lang naranasan at wala po akong pinagsisisihan. Lahat kami sa Top 6 ay masaya sa kabila ng hirap at tagal ng pinagdaanan naming journey papunta sa finals. Worth it po lahat ng ‘yon.”
Siguradong mas mahihirapan tonight ang The Clash Panel na sina Original Concert Queen Pops Fernandez, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Concert Queen AiAi delas Alas.
Hosted by Clash Masters, Total Heartthrob Rayver Cruz and Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose together with Journey Hosts Rita Daniela and Ken Chan, don’t miss the finale weekend of “The Clash Season 3” after Daig Kayo Ng Lola Ko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.