Keann Johnson: ‘If I find someone attractive, I can be homosexual’
Walang problema kay Keann Johnson, isa sa bida sa pelikulang “The Boy Foretold by the Stars,” kung ang launching niya sa telebisyon at pelikula ay Boy’s Love.
“In all honesty I have no problem with (that) whatsoever,” wika ni Keann kaugnay sa pelikulang entry ng Clever Minds sa Metro Manila Film Festival 2020, mula sa direksyon ni Dolly Dulu.
At higit sa lahat, suportado niya ang LGBT plus community. Kaya kahit na anong genre pa ang pelikula ay gagawin niya ito basta’t maganda ang istorya at swak siya sa role.
Tungkol sa dalawang high school student na nagkagustuhan ang pinaka-gist ng “The Boy Foretold by the Stars” kaya natanong si Keann kung may experience siya noong high school siya or kung may nagkagusto sa kanyang gay.
“To answer the question kung may na-in-love sa akin nu’ng high school, yes there are few guys and girls who have fell in love with me from time to time,” wika ni Keann.
“Ayoko namang magmukhang guwapung-guwapo sa sarili pero during my high school days I focus mostly on myself, my studies and also in pursuing my career. So I’m balancing both. Relationship wasn’t my 100 percent focus at that time,” paglilinaw pa niya.
View this post on Instagram
At dito natanong kung ano ang sexual preference ni Keann sa taong mamahalin.
“Honestly, I’m heterosexual, but what I always say, I’m open to the fact na for example I eventually do find someone attractive, I can be homosexual. That’s my stand point as of now,” pahayag ng baguhang aktor.
Sa madaling salita may posibilidad na ma in love si Keann sa isang gay?
“Yes po, there is,” ang diretsong sagot ng binata na ikina-shock ng lahat.
Dagdag pa, “Basta po mahanap ko ‘yung tamang tao para sa akin ay masaya na po ako.
“Hindi pa po ako nai-in love sa bading because ever since my orientation was heterosexual.”
Ang “The Boy Foretold By The Stars” ay tungkol sa namuong special friendship ng dalawang high school seniors na sina Luke (ginagampanan ni Keann) at Dominic (ginagampanan ni Adrian Lindayag) sa tulong ng manghuhulang nagsabing magkakasama sila sa isang retreat.
At dito na nagsimula ang kanilang magandang samahan.
Mapapanood ang streaming ng “The Boy Foretold By The Stars” via upstream.ph simula December 25. Simula December 25, pwedeng mapanood ang pelikula sa “My Shows” ng iyong GMovies account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.