2021 taon ng hiwalayan, ayon sa feng shui master | Bandera

2021 taon ng hiwalayan, ayon sa feng shui master

Armin P. Adina |December 19,2020
facebook
share this

2021 taon ng hiwalayan, ayon sa feng shui master

Armin P. Adina - December 19, 2020 - 01:11 PM

Marites Allen/FACEBOOK PHOTO

 

Dahil sa pandemyang bunga ng Covid-19, marami ang hindi na makapaghintay na matapos ang 2020, at umaasang magiging mas matiwasay na ang buhay sa susunod na taon. Ngunit tila hindi pa matatapos ang kalbaryo ng ilan sapagkat maaaring maging taon ng hiwalayan ang 2021, ang “Year of the Metal Ox” sa Chinese zodiac.

“It could bring a lot of misunderstanding and miscommunication, especially in couples,” sinabi ng itinuturing na “Queen of Feng Shui” na si Marites Allen sa ilang piling manunulat sa isang virtual meet up kamakailan.

“The south-southwest direction has the number 3 argumentative star, while the northwest has the number 7 star, which means there will be difficulties with the patriarch,” aniya sa isang virtual meet up sa mga manunulat sa Pilipinas at ilan pang mga bansa mula sa kanyang tahanan sa London kung saan siya ngayon naninirahan kasama ang pamilya.

“The bottomline is that 2021 may perhaps see the separations of couples,” pagpapatuloy ni Allen.

Gayunpaman, may dapat ding abangan sa papasok na taon, na tinuring niya bilang “year of vaccines.”

“It’s a ‘metal’ year, so it’s a year of vaccination because of the metal element. The metal aspect is the needle (na ginagamit sa pag-iniksyon ng bakuna,” ani Allen.

Kasalukuyan ng gumugulong ang pagbabakuna sa Estados Unidos at Inglatera, samantalang may ilang mga bansa na rin na naghahanda ng kani-kanilang mga programa ng maramihang pagbabakuna.

Maaari ring makaranas ng magandang 2021 ang mga isinilang sa mga taon ng rabbit, ox, tiger, horse, at rooster. Samantala, dapat maghanda sa ilang mga hamon ang mga isinilang sa mga taon ng rat, boar, sheep, dog, dragon, at snake.

Ngunit pinaalalahanan ni Allen ang madla na hindi mga manghuhula ang mga feng shui reader na katulad niya. “We are just offering them guides on what the general atmosphere may bring,” pinaliwanag niya.

Ipakikita ni Allen ang mas malalim niyang pagsusuri sa 2021, na sasaklaw sa ekonomiya, politika, show business, at iba pang mga usapin sa isang virtual feng shui webinar sa Dis. 19. Sasamahan siya ng TV host na si Boy Abunda sa webinar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga nais magpatala sa webinar, maaaring pumunta sa official Facebook page ni Marites Allen para sa mga detalye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending