Justin Dizon ng 'PBB Connect' kinuyog dahil sa panglalait sa kapwa housemate: Marumi ka nga pala... | Bandera

Justin Dizon ng ‘PBB Connect’ kinuyog dahil sa panglalait sa kapwa housemate: Marumi ka nga pala…

Ervin Santiago - December 18, 2020 - 09:14 AM

NAKATIKIM ng masasakit na salita mula sa netizens ang isang “Pinoy Big Brother Connect” housemate dahil sa pang-ookray nito sa isa nilang kasamahan sa Bahay ni Kuya.

Bina-bash ngayon ang tinaguriang Courageous Cabalen ng Pampanga na si Justin Dizon matapos niyang asarin at laitin si Jie-Ann Armero.

Viral na ngayon ang isang video clip na kuha sa loob ng PBB house kung saan maririnig si Justin na sinabihan si Jie-Ann ng, “Pinag-uusapan ka namin kasi hindi ka naliligo.”

Kasunod nito, nagpunas ng kamay ang binata sa tuwalya na nakabalot sa basang buhok ni Jie-Ann na nag-dialogue naman ng, “Okay lang. Tubig lang naman ‘yan eh.”
Pero humirit uli si Justin ng, “Pinaglawayan ko,” na tila gustong inisin ang kapwa niya housemate.

Sey naman sa kanya ni Jie-Ann, “Wala akong pakialam. Sanay na ako sa ganyan.” Na sinagot uli ni Justin ng nakakalokang, “Really? Sabagay, marumi ka nga pala.”

Sa lahat ng sumusubaybay sa “PBB Connect”, siguradong alam na nila ang pinanggagalingan ng mga sinabi ni Justin laban kay Jie-Ann pero sa mga hindi pa nakakaalam, mismong ang huli ang umaming hindi siya regular na naliligo sa bahay nila sa Sarangani.

“Minsan lang po kasi, kasi wala po kaming tubig minsan du’n,” sabi ni Jie-Ann kay Big Brother.
Aniya pa, “Opo kasi binibili pa po. ‘Yung tubig po namin du’n, isang container po, 12 pesos po. Tapos ‘yung container po namin, tatlo lang.”

“Para lang po sa mga pagsasaing tapos paghuhugas at pang-inom po. Kaya minsan po hindi ako nakakaligo,” dagdag pa niyang chika kay Big Brother.

Inulan ng batikos si Justine nang dahil sa kumalat na video habang awang-awa naman ang karamihan sa nagkomento kay Jie-Ann. Talagang tinira ng ilang netizens ang pagkatao ni Justin at pati ang pamilya niya ay nadadamay na rin sa pamba-bash sa kanya ng netizens.

Isa sa mga nag-comment sa video ay si Miss Trans Global 2020 Mela Habijan na nag-tweet ng, “I just saw the footage of Justin Dizon discriminating Jie-Ann for not taking a bath.
“Sobrang nakakagalit na makakita ang isang baklang nangmamaliit at nanghahamak, gayong alam natin ang pakiramdam na maliitin at hamakin ng mundo!” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending