Derek patuloy na susugal sa lovelife kahit minalas sa pag-ibig: I’ll find the right one | Bandera

Derek patuloy na susugal sa lovelife kahit minalas sa pag-ibig: I’ll find the right one

Ervin Santiago - December 17, 2020 - 06:31 PM

PATULOY na susugal ang Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay sa larangan ng pag-ibig kahit na ilang beses na siyang minalas sa lovelife.

Yan ang siniguro ng aktor nang sagutin niya ang ilang comments ng netizens tungkol pa rin sa biglaang paghihiwalay nila ni Andrea Torres.

Ayon kay Derek, naniniwala siya na mahahanap pa rin niya ang “the one” sa tamang panahon sa kabila nga ng mga napurnada niyang pakikipagrelasyon sa ilang kilalang celebrities.

Nag-post ang binata sa Instagram ng kanyang litrato na nakahubad pero iba’t iba ang naging reaksyon ng kanyang followers. Karamihan dito ay may konek pa rin sa break up nila ni Andrea.

Pang-aasar na komento ng isang netizen, “Gandang katawan pero walang nagtatagal na babae sa ‘yo.”

Sagot naman sa kanya ni Derek, “I’ll find the right one, dear,” with matching folded hands emoji.

May follower naman siya sa IG na nagsabing, “Andrea is not the right one.”

Reply ni Derek sa kanya, “No, she deserves better (thumbs-up emoji).”

Nitong nagdaang Nobyembre kinumpirma ng binata na hiwalay na sila ni Andrea at ipinagdiinang walang third party involved.

“The breakup has happened so fast. Maybe two people are just not meant to be. Please respect us nalang. We shared our love to all of you. Sana naman we can keep this to ourselves,” pahayag ni Derek.

Bago ito, inakala ng lahat na sa kasalan na mauuwi ang relasyon ng dalawa dahil nitong September lang ay umamin sila na napag-uusapan na nila ang pagbuo ng sariling pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Andrea, naging girlfriend din ni Derek sina Angelica Panganiban, Solenn Heussaff, Cristine Reyes, at ang model na si Joanne Villablanca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending