Alex napagkamalang buntis na: Ghorl, kailangan ko na talagang pumunta ng CR! | Bandera

Alex napagkamalang buntis na: Ghorl, kailangan ko na talagang pumunta ng CR!

Ervin Santiago - December 17, 2020 - 09:20 AM

SINAGOT ni Alex Gonzaga ang tanong ng ilan niyang kaibigan at social media followers kung buntis na ba siya?

Marami kasi ang nag-assume na nagdadalang-tao siya dahil medyo may kalakihan daw ngayon ang kanyang tiyan, base na rin sa ipino-post niyang mga litrato sa Instagram.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng actress-vlogger na totoong medyo lumaki ang tummy niya kaya kailangan na niyang pumunta sa CR para doon “isilang” ang kanyang “baby.”

Hirit ng sisteraka ni Toni Gonzaga,  “Kapag kino-congratulate ka na ng katrabaho mo dahil akala nila buntis ka… Ghorl, kailangan ko na talaga pumoops! Dalang ta* po, hindi dalang tao!”

Ngayong taon na sana magpapakasal sina Alex at Mikee Morada matapos ibandera ang kanilang engagement last January. Pero napurnada nga ang kanilang planp dahil sa COVID-19 pandemic.

Kamakailan, nag-celebrate ang engaged couple ng kanilang fourth anniversary at dito nga sinabi nina Alex at Mikee na pareho silang excited na sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang magdyowa.

Sa isang vlog ni Alex, ibinalita rin nila ni Mikee na sinisimulan na ang paggawa ng kanilang dream house. Ang property daw na ito ang wedding gift ng soon-to-be in-laws ni Alex.

Samantala, napa-wow naman ang mga netizens sa mga litrato ng actress-TV host suot ang iba’t ibang design ng wedding gown.

Siya ang kinuhang muse ng bridal fashion designer na si Joe San Antonio para sa kanyang La Grace line.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is pure elegance,” ang caption ni Alex sa mga wedding photo na kanyang ipinost sa Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending