Apela ni Lacson kay Duterte: I-veto ang isiningit na pondo sa 2021 national budget | Bandera

Apela ni Lacson kay Duterte: I-veto ang isiningit na pondo sa 2021 national budget

Dona Dominguez-Cargullo - December 14, 2020 - 11:17 AM

Edwin Bacasmas, Inquirer

Kapwa tinuran nina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson at Sen Franklin Drilon na pagkukunwari lang na para sa COVID-19 response ang 2021 national budget.

Ito ay dahil kung hihimayin umano ang budget ay lalabas na ang P28.35 bilyong insertions na ginawa ng House of Representatives ay para sa kanilang paboritong proyekto na ipinaloob sa infrastructure budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang P2.5 bilyon lamang ang para sa pagbili ng vaccine.

Kasabay nito umapela si Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang P28.35 bilyong isiningit na pondo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco gayundin ang iba pang mga double and overlapping appropriations kabilang na ang 793 line items na may pondo na P1 milyon hanggang P2 milyon bawat isa.

Sinabi ni Lacson na ito rin ang panawagan ni DPWH Secretary Mark Villar dahil kalimitang hindi nalalaman ng DPWH ang mga isingit na proyekto at nagugulat na lamang ang ahensya na may pondo sa General Appropriations Act (GAA) ang infrastructure project na hindi naman nila plinano at nalalaman na lang na pet project pala ng isang kongresista.

“Ang Senado kasi at House ay hindi dapat involved sa planning. Kami ay nagbibigay lang ng authorization dun sa agencies na gumastos at pagkatapos nito ay oversight function,” ani Lacson.

“Ang nangyayari even sa National Expenditures Program (NEP) nakakapagsingit na ang mga legislators. Iyong mga listo at mga makikisig na congressman na may koneksyon ay ginagamit ang kanilang posisyon para iharass ang agencies na gusto nilang pakialaman ang budget. Sobra na ang pakikialam ng mga lawmakers sa budget,” paliwanag ni Lacson.

Sinabi si Lacson na ang malalaking pondo na isingit sa 2021 budget ay malamang na gagamitin sa  eleksyon.

“Yung budget taxpayers money yan, matagal lang ma-educate ang taumbayan sa isyu na ito. Ang nakikita lang nila yung short term na pakinabang, gaya kapag eleksyon yung binibigay na P500 at P1,000 ni congressman o senador. Hindi nila nakikita ang long-range implication, yung tatlong taon na binoto nila eh sinasalbahe naman sila,” dagdag pa ng senador.

Samantala, hindi nagustuhan ni Lacson ang naging paliwanag ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Sonny Angara na pinalusot din sa Bicam ang mga budget insertions na ginawa ng Kamara dahil kapos na ang oras.

“Well, I cannot accept that as a reason. Kaya namimihasa ang Kamara, ginagawang hostage ang budget, kung ganun na lang lagi ay vicious cycle na ito. Taon taon na lang pagbibigyan ang kapritusahan ng mga congressman para hindi ihostage ang budget,” ani Lacson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending