3 kalsada sa NCR sarado hanggang Jan. 30, abiso ng MMDA sa iba muna dumaan
TATLONG kalsada ang pansamantalang isinara ng upang mabigyang-daan ang mga isinasagawang “repairs” ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang na riyan ang bahagi ng C-5 service road sa Pasig City, Cloverleaf na papunta sa North Luzon Expressway (NLEx) at Edsa southbound sa Quezon City.
Ayon sa Facebook post ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsimula ang pagsasaayos ng mga nabanggit na kalsada noon pang January 27 at tatagal ito ng hanggang January 30.
Caption ng MMDA, “The Department of Public Works and Highways will undertake reblocking and repairs on the following roads starting 11pm tonight, January 27, until January 30.”
Narito ang kumpletong listahan ng mga inaayos na kalsada base sa post ng MMDA:
1. C-5 Service Road along Pasig Blvd. Brgy. Bagong Ilog near Rizal Medical Center, and along Julia Vargas cor. Lanuza Ave., Brgy, Ugong near Valle Verde 5, Pasig City
2. Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) going to North Luzon Expressway (NLEX)
3. EDSA Southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge) Quezon City
Dahil diyan ay inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit na muna ng mga alternatibong ruta.
Read more:
Bahagi ng Roxas Boulevard na papunta sa Rizal Park isasara sa Dec. 30
Unang Metro Manila Summer Film Festival tuloy na sa Abril; 8 entry sa MMFF 2022 kumita ng P501-M
Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.