Julia umaming natutulog, nag-iikot ng bahay nang nakahubad: One of the best things about living alone | Bandera

Julia umaming natutulog, nag-iikot ng bahay nang nakahubad: One of the best things about living alone

Ervin Santiago |December 14,2020
facebook
share this

Julia umaming natutulog, nag-iikot ng bahay nang nakahubad: One of the best things about living alone

Ervin Santiago - December 14, 2020 - 10:34 AM

MAS maraming nagagawa si Julia Barretto ngayong mag-isa lang siyang naninirahan sa kanyang sariling bahay.

Alam n’yo bang may mga pagkakataon na natutulog na rin siya nang hubo’t hubad na hindi niya kering gawin noong nasa poder pa siya ng inang si Marjorie Barretto.

Sa latest YouTube vlog ng dalaga, mapapanood ang paandar niyang “Spicy Mukbang Challenge” kung saan sinagot ni Julia ang ilang tanong ng fans habang lumalafang.

Nilantakan ng young actress sa kanyang mukbang challenge ang spicy wings, noodles at chips. Aniya, talagang favorite niya ang maaanghang na pagkain kaya naman kitang-kita na nag-eenjoy siya sa kanyang latest vlog.

Game na game rin na nireplayan ng aktres ang mga naughty questions ng kanyang YouTube subscribers kabilang na ang tanong kung ano ang mga bagay na nagagawa niya habang nakahubad.

Ayon sa dalaga, isa raw sa mga advantage nang pagiging independent and living on her own ay ang pag-iikot sa kanyang bahay kahit walang saplot ang katawan.

“Sometimes, I sleep naked, to be honest. That’s one of the best things about living alone.

“You can sleep naked, you can get food naked, you can walk around the house naked,” pag-amin ng rumored girlfriend ni Gerald Anderson.

Samantala, inamin din ng dalaga na talagang may fear factor siya sa mga tao, lalo na kapag nakakarinig at nakakabasa siya ng mga kanegahang komento tungkol sa kanya.

“I wish I wasn’t so scared of people. I think it’s definitely not something I’m proud of, but it just happened recently that I’m just more scared of people now, unfortunately,” pahayag ni Julia.

Sa isang bahagi pa ng vlog ni Julia, sinabi niyang looking forward din siya na matupad ang pangarap niya kapag nabigyan uli siya ng chance na makapag-travel uli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’ve always dreamt of flying to another country just to eat breakfast, lunch, and dinner and then fly back. So that’s for a full day. I’ve always wanted to that,” chika pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending