Andrea fresh na fresh pa rin kahit minalas sa lovelife: Ito naman talaga 'yung love na love ko | Bandera

Andrea fresh na fresh pa rin kahit minalas sa lovelife: Ito naman talaga ‘yung love na love ko

Ervin Santiago - December 13, 2020 - 09:48 AM
PAMILYA at trabaho ang focus ngayon ng Kapuso actress na si Andrea Torres matapos ang biglaang break-up nila ni Derek Ramsay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang ex-couple tungkol sa tunay na rason ng kanilang paghihiwalay ngunit mukhang pareho na silang nagmu-move on sa kani-kanilang buhay at career. Ayon kay Andrea, okay na okay siya ngayon at kauuwi lang daw niya sa bahay pagkatapos ng kanilang lock-in taping para sa bagong Kapuso series na “Legal Wives” kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali. Ayon sa dalaga, sa kabila ng mga kanegahang nangyayari sa paligid, kabilang na ang patuloy na banta ng pandemya, marami pa rin siyang ipinagpapasalamat sa Diyos. “Sa amin po talagang gusto naming mag-focus sa bonding ng family and parang ang sarap lang talagang magpasalamat ngayong taon, safe kami, magkakasama kaming pamilya,” pahayag ni Andrea sa panayam ng GMA. Sa tanong nga kung kumusta na siya ngayon, “I’m okay po. Kakauwi ko lang po from lock-in and I’m very happy sa naging experience ko du’n. Talagang ang daming bagay na dapat ko ipagpasalamat. “At least po mag-e-end ‘yung year na may trabaho ako at mag-i-start ‘yung year na paglalaanan ko talaga ng atensyon ko. Ito naman talaga ‘yung love na love ko talaga,” aniya pa. In fairness, marami ang nakapansin na fresh na fresh at blooming pa rin ang aktres. Wala raw silang nakikitang bakas ng stress o kalungkutan sa aura nito sa kabila ng nasirang relasyon nila ni Derek. Kung matatandaan, si Derek ang unang umamin na hiwalay na sila ni Andrea kasabay ng pagtatanggol niya sa dalaga, “Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party! The breakup happened so fast.” Sinundan naman ito ng pahayag ni Andrea, “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship. “I think you all know how much it meant to me. I hope you understand. I will always wish him and his family well,” sabi ng Kapuso sexy actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending