Dennis, Jennylyn biktima ng fake news; iniimbestigahan na

Dennis, Jennylyn biktima ng fake news; talent management nag-iimbestiga

Reggee Bonoan - July 01, 2024 - 05:34 PM

Dennis, Jennylyn biktima ng fake news; talent management nag-iimbestiga

“NAKAKAALARMA na talaga ang fake news!” ang post ni Jan Enriquez, general manager ng Aguila Entertainment na pag-aari ng mag-inang Becky at Katrina Aguila.

Sila ang nagpapatakbo ng karera ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo at ng iba pang kilalang artists tulad nina Nikko Natividad, Jon Lucas, Martin Escudero, Zeinab Harake, Beauty Gonzales, Nico Antonio at marami pang iba.

Nasambit ni Jan ang fake news dahil kumalat na iiwan na ni Jennylyn ang GMA 7, ang network na nakadiskubre sa kanya sa pamamagitan ng “StarStruck” Season 1 noong 2003.

Sabi pa ni Jan, “Nakakaalarm na talaga fake news na ganito… safest to rely on legitimate news sources like Inquirer, Star, ABS, GMA etc. Journalism is a profession. ‘Wag tayo magpapaniwala agad. Always fact check.”

Baka Bet Mo: Promise ni Tanya Bautista kay Vhong Navarro: Sobrang mahal na mahal kita, huwag na huwag mong iisiping iiwan kita…

Nag-ugat kasi ang ispekulasyong ito nang hindi nakasama si Jennylyn sa shoot para sa bagong GMA 7 station ID.  Dito kasi ibinabatay ng netizens kung konektado pa ang artista sa network.

Inabot naman ng mahigit sa 1,000 ang views sa post na ito ni Jan sa X account niya at may 20 retweets.

Samantala, may ilang netizens din ang nagtanong kay Dennis Trillo na asawa ni Jennylyn  at sinagot siya ng, “May ABS pa ba?”

Maraming nagulat sa sagot na ito ng aktor dahil alam ng lahat na in good terms si Dennis sa mga taga-Kapamilya Channel lalo’t gumawa siya ng pelikula sa Star Cinema nang ilang beses.

At base rin sa pagkakakilala namin sa aktor ay hindi siya ganito sumagot dahil lagi itong may respeto sa kapwa. Kaya naglabas din ng reaksyon si Jan na ginawan ng pekeng sagot si Dennis.

“We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident,” aniya.

Going back to Jennylyn ay kaka-renew lang nito ng kontrata niya sa GMA 7 kaya paano siya aalis?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending