Illegal logging at mining talamak pa rin sa Isabela | Bandera

Illegal logging at mining talamak pa rin sa Isabela

- November 30, 2020 - 07:48 PM

Kasabay ng pag-amin ni Cagayan Governor Manuel Mamba na mayroon pa rin illegal logging at mining activities sa Cagayan na pinoprotektahan pa ng mga tiwaling mayor, binatikos naman ng ilang grupo si Isabela Governor Rodito Albano sa pagtuloy nitong pagtanggi na wala nang ganitong aktibidad sa Isabela.

Ayon kay Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera wala man silang hawak sa ngayon na actual evidence ay maraming circumstancial at accounts mismo ng mga residente na magpapatunay na hindi natigil ang illegal mining at logging sa Isabela.

Giit ni Garganera, kung magkakaroon lamang ng aerial survey gaya ng ginagawa noon ng yumaong si Environment Secretary Gina Lopez ay makikita ang massive deforestation at ang presensya ng mga heavy equipment na nagsasagawa ng quarrying at mining sa Isabela gayundin sa Cagayan.

“Huwag sanang magbulag-bulagan si Governor Albano at ang mga opisyal ng Isabela, kahit sinasabi nilang wala ay kabaligtaran ito dahil meron naman talaga. Ang problema sa illegal mining, quarrying at logging ay magkakaugnay, para makapagoperate ng minahan at quarry ay kailangan na magputol ng puno at yan ang nangyayari,” pahayag ni Garganera.

Gayundin ang pahayag ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas(KMP) President Danilo Ramos, aniya, nakalulusot pa rin ang mga illegal loggers at miners dahil sa pagkunsinti ng lokal na pamahalaan, ang mga nagsasabi umano na wala nang illegal logging at mining ay syang dapat na imbestigahan ng DENR at DILG dahil maaaring nagtatakip ito sa tunay na sitwasyon.

Inamin ni Mamba na may tatlong alkalde na may kasabwat na uniformed personnerl ang sangkot at protektor ng illegal logging sa Cagayan, hindi nito pinangalanan ang mga tiwaling alkalde na pawang mayaman na.

Sa datos ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang bayan ng Peñablanca at Baggao sa Cagayan ay nananatiling illegal logging hotspot zone sa probinsya.

Una ang inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque nanagkaroon ng lapses sa enforcement kaya hindi napipiglan ang illegal mining at logging activities sa Isabela at Cagayan.

Asahan anya na sa oras na matapos ang imbestigasyong ginagawa ng DENR at ni Interior Secretary Eduardo Año ay may mga mananagot na sangkot sa ganitong illegal na gawain.

Sinabi ni Año na ang nangyari sa Cagayan at Isabela ay dapat nang magsilbing wake up call sa bawat isa na seryosohin ang eleksyon.

“Our citizens need to learn and vote for those who are serious and have no connections to anything illegal. We need to pick, otherwise we would be experiencing these things over and over again,” pahayag ni Año.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pamilya Albano at pamilya Dy ay may ilang dekada nang namumuno sa Isabela. Ang kasalukuyang gobernador na si Albano ay dating Isabela 1st District Representative, ang kasalukuyang Vice Governor nito na si Faustino “Bojie” G. Dy Ill ang syang dating gobernadora ng lalawigan.

Ang pamilya Albano ang may hawak ng congressional seat ng Isabela First District mula 8th Congress hanggang 17th Congress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending