Bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa Pilipinas, nasa 448,331 na
Hindi muli bababa sa 1,000 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (December 12), umabot na sa 448,331 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,168 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,301 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kabuuang 85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.0 porsyento ang asymptomatic; 0.24 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 4.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 35 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,730 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 111 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 409,433 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.